Globe magbibigay ng libreng unlimited internet connection sa mga piling ospital sa Metro Manila

  • Libreng unlimited internet connection ang ibibigay ng Globe Telecom sa mga piling pagamutan sa Metro Manila
  • Gagawin ito sa pamamagitan ng GoWiFi services ng Globe
  • Ang libreng internet connection ay sinimulan noong March 13, 2020 at tatagal hanggang April 15, 2020

Libreng unlimited internet connection ang alok ng Globe Telecom sa mga piling  pagamutan sa Metro Manila hanggang April 15, 2020.

Imahe mula sa Health IT Outcomes

Sa isang public service advisory na inilabas noong March 13, 2020, sinabi ng Globe Telecom na magbibigay ito ng libre at unlimited internet connection sa mga piling ospital sa Metro Manila sa pamamagitan ng GoWiFi services ng kumpanya.

Ito ay upang manatiling konektado sa isa’t isa ang mga healthcare frontliners tulad ng mga doktor, nurses, iba pang medical personnel at mga pasyente at mga mahal nila sa buhay sa gitna ng laban kontra sa COVID-19.

“Globe will offer free and unlimited Internet connection via its GoWiFi services at select hospitals in Metro Manila starting today, March 13 until April 15, 2020. This is to help our healthcare frontliners–doctors, nurses, medical personnel — and patients and their loved ones to remain connected and be informed in the fight against the COVID-19 pandemic,” ayon sa Globe advisory.

Narito ang listahan ng mga pagamutan na mabibigyan ng libreng unlimited internet connection:

Imahe mula sa Globe Telecom

Maynila: Chinese General Hospital, Metropolitan Medical Center, Philippine General Hospital, Manila Doctors Hospital, at Qualimed Manila (PGH Area)

Makati City: Ospital ng Makati

Taguig City: Manila Naval Hospital at St. Luke’s Medical Center, Global City

Pasig City: The Medical City at Pasig City General Hospital

San Juan: Cardinal Santos Hospital at San Juan Medical Center

Quezon City: Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, St. Luke’s Medical Center at National Kidney and Transplant Institute

Imahe mula sa Globe Telecom

Loading…