GMA News TV hindi muna sasahimpapawid dahil sa state of calamity sa bansa

  • GMA News TV sa channel 11 ay pansamantalang hindi sasahimpapawid dahil sa state of calamity sa bansa
  • Simula Huwebes, March 19, ay hindi na muna mapapanood ang State of the Nation with Jessica Soho at Balitanghali
  • Ang “Unang Hirit,” “24 Oras,” at “Saksi” ay patuloy pa ring mapapanood sa Channel 7

Pansamantalang hindi sasahimpapawid ang GMA News TV, subsidiary ng GMA Network na tinaguriang The Philippines’ No. 1 news channel, habang nasa ilalim  ng enhanced community quarantine ang Luzon.

Imahe mula sa GMA News TV

“Due to the current state of calamity, GMA News TV is temporarily signing off. Please stay tuned to GMA for all news updates,”saad ng statement nito.

Sinabi ng broadcast journalist na si Raffy Tima na simula ngayong araw ng Huwebes, ika-19 ng Marso, ay hindi na muna mapapanood ang “State of the Nation with Jessica Soho” at ang “Balitanghali.” Kasama niya si Tina Panganiban Perez sa last airing ng GMA News TV.

“Last newscast airing for GMA News TV with  @tinapperez as GMA News TV will temporarily go off the air, no Balitanghali and State of the Nation With Jessica Soho starting tomorrow until further notice as GMA scales down its operation for the duration of the lockdown,” sabi ni Raffy Tima sa set ng State of the Nation with Jessica Soho.

Aniya, mapapanood pa rin naman sila sa mga newscasts sa GMA, tulad ng “Unang Hirit,” “24 Oras,” at “Saksi.”

“Mapapanood niyo pa rin po kami sa GMA sa Unang Hirit, 24 Oras at Saksi. Mabuhay po ang magigiting na mamamahayag na nasa harap at lalo na ang mga nasa likod ng camera. Mabuhay po tayong lahat,” ani Raffy Tima.

Mahigpit na ipinatutupad ang enhanced community quarantine upang pigilana ng pagkalat ng COVID-19. Sa pinakahuling tala ng health officials ay mayroon nang 202 cases nito sa bansa at 17 rito ang sinawimpalad na hindi nakaligtas.

Imahe mula sa GMA News TV

Loading…