Gokongwei group naglaan ng P100M ayuda kontra COVID-19; mall tenants hindi na sisingilin sa renta

  • Naglaan ng P100 million ang Gokongwei Brothers Foundation kontra COVID-19
  • Mamamahagi ang grupo ng PPE sa mga healthcare frontliners
  • Pinakilos nito ang mga kumpanya sa ilalim ng conglomerate upang magbigay ng suporta sa mga apektado ng health crisis

Naglaan ang Gokongwei group ng P100 million relief fund bilang ayuda sa ginagawa ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. Uunahin umano nila ang pamamahagi ng personal protective equipment sa mga healthcare frontliners.

Imahe mula sa JG Summit Holdings, Inc.

“As an immediate step, GBF (Gokongwei Brothers Foundation) will provide urgently needed personal protective equipment (PPE) such as surgical masks for healthcare frontliners, as well as rapid test kits. The U.P. Medical Foundation and PGH Medical Foundation are among the select institutions in GBF’s priority list,” saad ng statement mula sa John Gokongwei (JG) Summit Corporate Affairs noong Miyerkules, ika-18 ng Marso.

Pinakilos din ng GBF ang mga kumpanya sa ilalim ng kanilang conglomerate upang suportahan ang mga naapekuhan ng health crisis.

Ang property arm nito na Robinsons Land Corp. (RLC) ay hindi na maninigil ng renta sa mga non-operational tenants sa kanilang mga malls na kasalukuyang sarado dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.

Sa pamamagitan ng rent condonation ay matutulungan nila ang kanilang tenants na magbigay naman ng tulong sa kani-kanilang mga empleyado.

Imahe mula sa Robinsons Malls

“Through the rent condonation, RLC can assist their tenant establishments reallocate funds and allow them to extend financial assistance to their employees for this emergency,” ayon pa sa statement ng GBF.

Gayundin, ang Robinsons Bank ay nag-anunsyo ng payment extension sa mga customers nila sa sari-saring loan products.

Ang Cebu Pacific na pag-aari rin ng mga Gokongwei ay nagbigay ng pagkakataon sa mga paasahero nito na makapag-rebook o mailagay sa travel fund ang ticket cost.

Samantala, ang Robinsons Retail Holdings, Inc. ay patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na operasyon ng kanilang retail stores, supermarkets, convenience stores at drugstores.

Imahe mula sa JG Summit Holdings, Inc.
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…