Good news! Taal volcano alert ibinaba na sa Level 1

Imahe mula sa PNA
  • Mula sa Alert Level 2 ay ibinaba na sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Taal
  • Ito ay matapos na makapagtala ang PHIVOLCS ng mas mababang aktibidad sa Taal
  • Sa kabila nito, pinapayuhan pa rin ang mga residente na huwag munang bumalik sa permanent danger zones

Ibinaba na sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Taal.

Ayon sa PHIVOLCS, ito ay matapos na bumaba ang aktibidad nito apat na linggo matapos itong ilagay sa Alert Level 2 noong Pebrero 14.

Imahe mula sa PNA

Ayon sa March 19 Taal Volcano bulletin na inilabas ng PHIVOLCS, mula sa 141 na volcanic earthquakes na naitala noong January 26 hanggang Februrary 14 ay nasa 31 na lang ito mula February 14 hanggang March 19.

“In view of the above, DOST-PHIVOLCS is lowering the alert status of Taal Volcano from Alert Level 2 to Alert Level 1 to reflect the overall decreasing trend in the level of monitoring parameters,” sabi ng PHIVOLCS.

Ang Alert Level 1 ay nangangahulugan daw na hindi pa rin normal ang kondisyon ng bulkan at hindi raw nito ibig sabihin na wala nang panganib na pumut0k ito.

“DOST-PHIVOLCS reminds the public that at Alert Level 1, sudden steam-driven or phreatic expl0sions, volcanic earthquakes, minor ashfall and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within TVI,” dagdag pa nila sa bulletin.

Imahe mula sa Facebook | Phivolcs

Pinayuhan din nila ang mga residente na huwag munang pumasok sa mga permanent danger zones. Iyong mga residente na nakatira sa mga lugar na at risk sa base surges ay pinapayuhan din na manatiling handa para sa evacuation kung sakaling kailanganin.

Patuloy raw na imo-monitor ng DOST-PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Taal. “Should an uptrend or pronounced change in monitored parameters forewarn of renewed unrest, the Alert Level may be raised back to Alert Level 2.”

Enero nang maganap ang phreatic erupti0n sa Bulkang Taal; dahilan upang lumikas ang mga residente doon.

Source :

Facebook

Loading…