Unang Pilipinong nakarekober mula sa COVID-19, naitala na

Imahe mula sa Canva
  • Ibinalita ng Department of Health (DOH) na nakarekober na ang isang Pilipino mulas a COVID-19 matapos na magnegatibo sa test nang dalawang beses
  • Kinilala siya bilang si Patient 14, isang 46 anyos na lalaking residente ng Pasay City na na-admit sa Makati Medical Center
  • May dalawa nang Chinese nationals na gumaling mula sa COVID-19 at nakabalik na sila sa kanilang bansa noon pang Enero

Magandang balita! Naitala na ang unang Pilipino na naka-rekober mula sa COVID-19.

Imahe mula sa PIA

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naka-recover na si Patient 14, isang 46 anyos na lalaking residente ng Pasay City na nakaranas ng ubo at lagnat noong Pebrero 25. Na-admit siya sa Makati Medical Center noong March 5 at napag-alaman na positibo siya sa COVID-19 noong March 9.

Sabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa isang interview sa GMA News, dalawang beses nang nag-negatibo sa COVID-19 ang pasyente at hindi na rin nakararamdam ng mga sintomas.

Dagdag ni Vergeire, siya na ang ikatlong naka-rekober sa COVID-19 sa bansa kasunod ng dalawang Chinese nationals na nakauwi na sa China noong Enero.

Sa kabila nito, nakiusap si DOH Secretary Francisco Duque na ‘wag makampante at patuloy na sundin ang mga abiso mula sa gobyerno.

“While this is a very welcome development, there is no reason for us to be complacent. We need the public to cooperate with us now more than ever,” sabi ni Duque.

Imahe mula sa Wikimedia Commons

Isinailalim na sa enhanced community quarantine ang buong Luzon na nangangahulugang ipatutupad ang strict home quarantine. Suspendido rin muna ang pampublikong transportasyon.

Mariin na paalala ng DOH, manatili na lamang muna sa bahay nang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Movement shall be limited to accessing basic necessities,” sabi sa guideline na inilabas tungkol sa enhanced community quarantine.

Sa pinakahuling case bulletin na inilabas ng DOH ay umabot na sa 142 ang bilang ng mga nag-postibo sa COVID-19 sa bansa.

Source :

PNA

Loading…