Good samaritan, ibinida sa gitna ng pagpapanic buying ng karamihan sa kilalang supermarket

  • Hinangaan sa social media ang pagtulong ng isang babae sa taong hindi niya kaano-ano sa gitna ng pagpapanic buying ng lahat
  • Nalaman umano nito na puro de lata at ilang bote ng alcohol lang ang laman ng basket ng isang matanda na kasabay nitong mamili sa Landmark
  • Dahil doon, sinabihan ng dalaga na kumuha pa ng iba pang pagkain ang matanda at siya na mismo ang magbabayad

Naging inspirasyon sa social media ang pagtulong ng isang misteryosang babae sa hindi niya kakilala sa kalagitnaan ng pagpapanic buying ng karamihan sa loob ng malaking grocery store.

Imahe mula kay Lane Blackwater | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Lane Blackwater, isinalaysay nito kung paano nagsilbing anghel ang babae sa isang matanda na hindi niya kaano-ano.

Kuwento ni Lane, namimili sila noon sa Landmark nang marinig ang babae na inaalok ang isang matanda na siya na ang magbabayad ng pinamili nito matapos makita na kaunting de lata at ilang bote ng maliliit na alcohol lamang ang laman ng cart nito.

Sinabi pa umano ng babae sa matanda na kumuha pa ng iba pang pagkain tulad ng tinapay, kape, at asukal.

“Good samaritan in Landmark,” sabi ni Lane sa unang bahagi ng post.

“While everyone else was hoarding like hell, yung tipong punong-puno ang mga big carts here in Landmark, habang naghihintay kami ng asawa ko na mag-move ang line, I couldn’t help but overhear this very nice young lady sa likuran namin saying to Manong na hindi niya kilala (na ang laman lang ng basket ay few canned goods and few bottles of alc0hol na maliliit lang) na, ‘kuha pa po kayo ng tinapay, kape, asukal. Ako po ang magbabayad,’”kuwento nito.

Pagpapatuloy ni Lane: “Manong was reluctant pa pero sa matagalang pagpilit sa kanya, napapayag din siya. Umalis siya saglit at kumuha ng dalawang piraso ng bread. So sabi ni girl, ‘yan lang po kinuha nyo? Kuha pa po kayo. Dagdagan nyo pa po, ako po ang magbabayad.’ Si Manong, nagsmile lang pero pinilit pa rin siya ni girl.”

Imahe mula kay Lane Blackwater | Facebook

Matapos umalis ng matanda para maghanap ng iba pang puwedeng bilhin, sige naman ang paglalagay ng babae ng mga importanteng suplay sa basket ni manong.

“Pagdating ni Manong, nagulat na lang siya sa dami ng laman ng basket niya. Makikitang happy and overwhelmed na rin si Manong,” sabi ni Lane. “In the end, pati yung ibang nasa counter na customer ay nagbigay na rin ng kaunting items like Spam and etc. (na they paid for) kay Manong at may nag-offer pa na sila na magbabayad ng mga items ni Manong.”

“Nakakatuwa lang kasi may mga tao pa rin talaga na kagaya ni girl na makikita mo ang sincerity sa pagtulong. Pati tuloy mga tao nahawa na sa kanya. Sana all kagaya ni girl,” sabi pa nito sa post.

Nakaka-good vibes talaga. Creates a ripple of kindness, ‘ika nga!

Source :

Facebook

Loading…