Grab Food rider na mas takot daw sa asawa kaysa sa COVID, pinangiti ang netizens sa gitna ng krisis

Imahe mula sa GMA News via YouTube
  • Pinag-usapan kamakailan ang food delivery rider na nagsabing mas takot siya sa misis niya kaysa sa COVID-19
  • Nagbigay ng ngiti sa mga netizens ang kaniyang pahayag
  • Hindi naman nila nakalimutan na sa likod ng birong iyon ay may seryosong pinagdaraanan ang mga Pilipino dahil sa COVID-19

Madalas na ipinaaalala ng mga frontliner na manatili lamang sa loob ng mga tahanan upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Imahe mula sa GMA News via YouTube

Ito ang hindi nila puwedeng gawin dahil kailangan nilang tugunan ang tawag ng kanilang tungkulin.

Bukod sa mga healthcare workers at pulis, kabilang din ang mga food delivery riders sa mga itinuturing na frontliners ngayon. Sa gitna kasi ng enhanced community quarantine sa buong Luzon ay marami ang hindi makalabas ng kanilang bahay upang bumili ng pagkain.

Ang GrabFood rider na si Gummy Leonardo, nakapagbigay pa ng aliw sa mga netizens dahil sa kaniyang pahayag kung bakit kailangan niya pa ring magtrabaho kahit nangangahulugan itong maaari siyang makakuha ng sakit.

Sabi niya sa isang panayam sa GMA News, sinasamantala niya ang pagkakataon habang marami ang nagpapa-deliver.

Imahe mula sa Grab

Tinanong siya ng reporter kung hindi ba siya nag-aalala para sa kaniyang kalusugan. “Hindi ho. Mas takot ako sa misis ko kaysa sa COVID. Kapag wala ka hong inuwing pera, maingay,” biro ng Grab Food rider.

Ngunit kahit napatawa ni Leonardo ang mga netizens ay may mga nakapansin din na sinusubukan lamang nitong pagaanin ang sitwasyon.

“He was trying to lighten up the crisis that we are all facing today. But in reality he needs to provide means for his family. That is one of the best traits of a Filipino. Gagawa pa din ng paraan sa gitna ng matinding pagsubok,” sabi ni J. Sy.

Si E. Manalac naman, sinabing mas kailangang maging responsable sa ganitong panahon lalo na kung mayroong pamilyang binubuhay.

Komento naman ni Cerie B., kahit maingay ang asawa ng rider pag wala ito naibibigay, siguradong nag-aalala ito para sa kaniyang kalusugan.

“For sure ‘yung asawa mo sa tuwing biyahe at panay expose mo sa labas, kakambal noon yung pangamba niya sa kalusugan mo.”

Source :

YouTube

Loading…