Graduation sa panahon ng COVID-19, pinag-uusapan sa social media

Imahe mula sa Facebook | Joshua Postor
  • Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pakulong graduation sa gitna ng COVID-19 ng isang klase
  • Dahil hindi na sila makapagma-martsa ay sa Messenger na lamang ‘nag-martsa’ ang kanilang mga graduation photos
  • Kahit may mga estudyanteng nalungkot dahil maaaring hindi na matuloy ang graduation rites ay naiintindihan naman nilang para ito sa kanilang kabutihan

Marami ang naaliw sa ginawang paraan ng isang klase upang matuloy ang kanilang graduation ceremony. Pinag-uusapan kasi ang pagpapaliban ng graduation rites bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Joshua Postor

Sa pamamagitan ng Facebook Messenger ay isa-isang “nag-martsa” ang mga kaklase ni Joshua Postor. Sinend sa group chat ang mga graduation photos ng mga mag-aaral habang tinatawag sila sa pamamagitan ng chat.

Maraming mga estudyante ang naka-relate dito at sa kasalukuyan at may 58k reactions at 79k shares na ito.

Ang ilan, ikinalungkot na posible ngang mauwi sa ganito ang ilang taon nilang hinintay na pagtatapos kaya hiling nila, sana ay matapos na ang pagkalat ng COVID-19.

Imahe mula sa Unsplash

Samantala, ang ilan naman ay nagbiro na maaari itong irekomenda sa kanilang paaralan. “Send kayo ng picture, gagawan ko kayo,” sabi ni Katherine B.

Matatandaang kasabay ng anunsyo sa pagsasailalim ng National Capital Region sa community quarantine ay sinuspinde na ni Pang. Rodrigo Duterte ang klase sa lahat ng antas sa Metro Manila hanggang sa April 12.

“The suspension of classes in all levels in Metro Manila is hereby extended until April 12, 2020, provided that all students shall continue to fulfill their educational requirements during said period,” sabi ni Duterte na pinayuhan din ang mga estudyante na manatili sa kanilang tahanan.

“Pag makita sa labas, palaboy laboy ka lang dyan, wala kang ginagawa, sigaw sigaw kayo. Lalapitan kayo ng pulis at military. Tatanungin kayo, then you have a problem. ‘Pag sinabi mo na wala, andito lang kami sa labas and then, maybe if you are arrogant, dadalhin ka sa istasyon for record purposes,” dagdag niya.

Source :

Facebook

Loading…