Dilema ng Guro: “Really difficult to teach manners to kids esp if the behavior is not being reinforced at home”

  • Ibinahagi ng isang gurong Pilipino sa ibang bansa ang kaniyang naranasan sa mga dayuhang mag–aaral
  • Sinabihan siya ng isa sa kaniyang mga mag–aaral na “slavery” o pang–aalipin ang pagpapapulot ng kalat
  • Napagtanto ng guro na mahirap ituro ang  “manners” o kagandahang–asal kung hindi ito ginagawa, nakikita, o pinagtitibay sa mga tahanan

Saan nga ba dapat matutunan ng isang bata ang kaniyang maayos na gawi o behavior: sa tahanan o sa paaralan?

Ibinahagi ng isang gurong Pilipino na nagtuturo sa Amerika ang kaniyang karanasan hinggil sa mga estudyanteng dayuhan.

Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Marso 5, bilang bahagi ng maayos na disiplina, sinabihan niya ang kaniyang mga mag–aaral na linisin muna ang kanilang stations bago magtungo sa susunod na klase.

Imahe mula sa Facebook account ng guro

“Eksena sa klase kanina… Me: Everybody, make sure your stations are clean before I dismiss you for your next class. Clean as you go. Humarang ako sa pinto para walang makatakas, may mga students naman na nilinis ang mga kalat nila, yung iba kunwari walang narinig,” ayon sa kaniyang post.

Bagama’t may ilang nagdadabog at nagpaparinig na, hindi pa rin huminto ang guro hangga’t may nakikita pa siyang kalat. Dumating pa sa puntong sinabihan niya ang mga mag–aaral na babanggitin ang pangalan ng hindi naglilinis. Biglang isa sa kanila ang nagsabi ng “Oh come on, this is slavery!”

Mabuti na lamang daw at tumunog na ang bell, hudyat na kailangan nang umalis at magtungo sa susunod na klase ang mga mag–aaral. Laking pasasalamat ng guro dahil hindi siya nakapagsambit ng anumang salita tungo sa naturang mag–aaral. Dahil dito, napaisip na lamang ang guro.

“After that class, napaisip ako… pang-aalipin na pala ngayon ang pagpapapulot ng sariling kalat para itapon nang maayos sa basurahan. Kamot–ulo na lang talaga ako eh,” aniya.

Dagdag pa niya: “Moral of the story: It is really difficult to teach manners to kids especially if the behavior is not being reinforced at home. Sad but true. I am truly thankful to my parents and to all my former teachers for training me to become a well-mannered person.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Too much freedom and words destroys manners and moods. Sa Pinas, batuhin ko sila ng dumi nila… bahala na sa next encounter… Iba pa rin talaga rito sa Pilipinas!”

“We do what we have to do, kahit nakakarinig tayo ng mga ganoon. After all, mukhang sa school lang sila matututo ng manners because apparently hindi naituturo sa bahay,” turan naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Buti na lang sir sa Pilipinas, hindi itinuturing na slavery ang pagpupulot ng kalat, bagkus ay social responsibility. Well as the saying goes, a teacher is always a teacher, teach them well and they will follow you.”

Sabi nga, kung ano ang ipinakikita ng isang tao sa labas, iyon ang kaniyang natutunan sa “loob”.

Source :

Facebook

Loading…