Guro isinalaysay ang kanilang sakripisyo sa paaralan at iba’t ibang ‘role’ maliban sa magturo

  • Isinalaysay ng isang guro ang kanilang araw-araw na sakripisyo sa loob ng paraalan
  • Ito ay matapos batikusin umano ang mga guro at hinahanap sa frontline sa panahon ng enhanced community quarantine
  • Maraming guro at netizens naman ang sumang-ayon sa sakripisyong ito ng mga guro sa araw-araw

Mayroong viral post ngayon sa Facebook na gawa ng isang netizen na hinahanap ang mga guro ngayong panahon ng COVID-19 pandemic. Ayon sa nag-post, nasaan na raw ang mga guro na ‘mahilig’ manghingi ng taas sahod ngayong mga panahon na kailangan ng bansa ng tulong.

Agad namang dumepensa ang maraming guro at mga netizens sa pahayag na ito na hindi umano makatarungan. Ayon sa mga guro, iba naman daw ang kanilang larangan sa trabaho ng mga health workers at ibang frontliners sa kasalukuyan.

Larawan mula sa PNA

Pero ang isang guro, may kakaibang sagot sa kontrobersyal na post na ito. Idinaan ni Sir  Ramos sa isang Facebook post ang kanyang mensahe tungkol sa tunay na kadakilaan ng mga guro; mayroon man o walang krisis sa bansa. Ayon sa post, marami silang sakripisyo sa araw-araw na lagpas na rin sa kanilang tungkulin na magturo sa mga bata.

Bungad ni Sir sa kanyang post, sila raw na mga guro ay madalas nurse din na nag-aalaga at umaasiste sa mga batang may iba’t ibang nararamdaman. Pharmacist din daw sila kung minsan dahil nagbibigay sila ng gamot na dala nila kapag kailangan. Madalas din daw silang tanod na nanghahanap ng mga nawawalang anak at hindi agad dumidiretso sa kanilang bahay.

Dagdag pa ng guro, sila rin daw na mga guro ay madalas na parang pulis at imbestigador. Bahagi rin daw kasi ng trabaho nila ang pumagitna sa mga alitan ng mga mag-aaral, at hanapin ang kung anu-anong nawawalang bagay ng kanilang mga estudyante.

Iginiit din ni Sir na maraming pagkakataon din na nagiging inspirasyon at lakas ng loob sila ng mga estudyante sa isang buong taon ng klase. Cheerleader daw sina Ma’am at Sir ng mga estudyante nilang lumalaban sa kung ano-anong kumpetisyon. Sila na rin ang coach ng mga ito na overtime sa paghasa ng mga mag-aaral kahit wala namang overtime pay.

Dahil sa mga karanasang ito, sinabi ni Sir Ramos na dahil sa dami ng kanilang ginagawa, hindi pa rin sapat ang oras nila sa isang buong maghapon upang mapagkasya sa kanilang trabaho. Kaya naman pag-uwi sa bahay, tuloy ang kanilang pagiging guro. Tuloy ang sakripisyo para sa mga kabataan.

“At tama po hanggang sa bahay generally ay dala po ng guro ang kanyang trabaho bilang pagtalima sa kanyang tungkulin. At kami po ang walang overtime pay sa lahat ng mga propesyon.. Wag na po tayo magsilipan.. Lahat tayo may kanya kanyang kontribusyon sa lipunan. Peace yow! Rak en roll!” pahayag ni Sir at mababanaag mo na siya’y isang cool na guro at mahal ng kanyang mga estudyante, base sa mga larawan ng pag-celebrate ng kanyang kaarawan sa unang linggo ng Marso.

Basahin ang buong post ng guro:

Sa mga panahon na walang pasok, wag natin kainggitan ang mga guro kung may sweldo pa rin… Dahil sa mga araw na may…

Posted by Kiko Ramos on Wednesday, March 25, 2020

Loading…