Guro, matapang na sinagot ang estudyanteng nagbabala na mambabagsak rin sa evaluation

  • Diretsong ipinahayag ng isang guro ang kaniyang saloobin matapos itong masabihan ng kaniyang mag-aaral na ibabagsak din siya nito sa teacher’s evaluation
  • Gagawin umano ito ng estudyante dahil una na siyang binigyan ng bagsak na grado ng teacher
  • Paglilinaw ni Pascual, hindi mga guro ang nambabagsak sa mga mag-aaral kung hindi sila mismo ang gumagawa noon sa mga sarili nila

Matapang na sinagot ng isang teacher ang kaniyang mag-aaral matapos nitong sabihin ang planong pagbibigay ng mababang marka sa guro sa darating na teacher’s evaluation.

Imahe mula kay Paul Pascual | Facebook

Sa ibinahaging post ni Paul Pascual sa Facebook noong March 7, makikita ang naging palitan nila ng mensahe ng kaniyang mag-aaral na una nang bumagsak sa ilalim ng kaniyang pagtuturo.

“Sir dahil binagsak mo ko, babagsak din kita sa evaluation. Char!” pagbibiro ng estudyante kay Pascual.

Hindi naman nagpapigil ang guro na ipahayag ang kaniyang saloobin tungkol sa natanggap nitong mensahe mula sa mag-aaral.

“I don’t care. Hindi ako takot. Ang tunay kong evaluation ay ikaw,” sabi ni Pascual sa unang bahagi ng kaniyang tugon. “Kahit mataas nga ako sa evaluation pero wala naman ako nagawa para matuto ka. I still failed as a teacher.”

“Paper lang yon. Ibigay mo na lang yung perfect rating sa mga teachers mo na di nagtuturo pero puro line of 9 magbigay. Wala ako pakialam,” dagdag nito.

Binigyang-linaw rin ni Pascual na hindi mga guro ang nambabagsak sa mga mag-aaral kung hindi sila mismo ang gumagawa noon sa sarili nila. Sa katunayan, bukas pa nga raw siya sa pagbibigay ng sobrang oras upang maturuan muli ang mga bumagsak niyang estudyante.

Imahe mula sa Pixabay

“Take note, hindi kita binagsak. Binagsak mo ang sarili mo, by not complying and meeting the deadlines,” sabi nito.

“Do not blame me. I’m more than willing to teach sa summer or magbackload ka sakin for free. So there,” ayon pa sa kaniya.

At talaga namang mapapa-thumbs up tayo kay Sir!

Source :

Facebook

Loading…