Halos P1 milyong grocery bill umani ng mga reaksyon sa netizens

  • Larawan ng grocery bill na umabot ng halos P1 million umani ng mga reaksyon
  • Viral din sa social media ang larawan ng napakaraming grocery items na binili ng isang buyer
  • Hindi napigilan ng mga netizens na magkomento laban sa pinaghihinalaang hoarders sa gitna ng panawagan ng mga awtoridad na huwag mag-panic buying

Umani ng sari-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang larawan ng pinamiling groceries na umabot ng halos isang milyong piso ang halaga.

Mantakin mong umabot sa P950,636 ang grocery bill; kulang na lang ng halos P50,000 para maging P1 million.

Screenshot ng isang Twitter post

“Eto ‘yung panic na panic.”

“Tinalo ang ginrocery namin.”

“Woah! Baka naman may  for donations sa frontliners.”

Ilang netizens naman ang naglagay ng pabirong caption sa nakunang litrato ng napakaraming grocery items na nakalagay sa mga shopping carts na nakapili sa cashier.

“Mga hampaslupa! Wala kayong pambili,” birong caption ng isa.

“Very good my yayas and chef! Need to stock up,” sabi naman ng isa pa.

Ayon sa isang Twitter user, ang napakaraming groceries sa shopping cart sa larawan ay sa asawa ng isang negosyante.

“Word from the tita vibers haha… wife decided to brag about her hoarding the sh*t out of supplies. Oh sige po ma’am ito na po ‘yung publicity na gusto mo.”

Screenshot ng isang Twitter post

Hindi napigilan ng iba pang netizens na magkomento laban sa pinaghihinalaang hoarders sa gitna ng panawagan ng mga awtoridad na huwag mag-panic buying.

“Eat the rich. Eat them. Who the hell needs almost 1 million pesos worth of groceries?? While yung mahihirap walang mabili, itong mga bruhang to nag-imbak ng for 20 years?? Privilege is such a disgusting word….”

“And here i am thinking spending 1k+ on emergency food for a month is already hoarding. Eat the rich talaga.” 

Isang netizen naman ang nagsabi na umaasa siya na sana ay i-donate sa mga nangangailangan ang bahagi ng mga napakaraming grocery items na nasa larawan.

Imahe mula sa Twitter
Source :

Philstar

Loading…