Hashtag #AldenPautang trending sa Twitter matapos i-post ni Alden ang yayamaning PC gaming setup at Ferrari

  • Hashtag #AldenPautang nag-trending sa Twitter
  • Nagsimula ang trend matapos i-post ni Alden ang bagong biling Ferrari at isang mamahaling PC gaming setup
  • Wala raw interes ang pautang ni Alden, pero ang mga umuutang ay may interes kay Alden

Nag-trending ang hashtag #AldenPautang sa Twitter matapos mag-post sa social media ang tisoy na aktor na si Alden Richards ng kanyang mga mamahaling gamit.

Imahe mula sa Twitter account ni Alden Richards

Twitter Post ni Alden

Noong Martes, ika-3 ng Pebrero, ay ipinost ni Alden sa Twitter ang bago niyang PC gaming setup na may malaking monitor at iba pang gadgets. Namangha ang mga netizens kabilang na ang kapwa artistang si Jameson Blake sa ganda ng gaming setup niya.

“Grabe setup mo, bro. Play Apex Legends,” ani Jameson Blake.

“I asked my 17 yr old nephew to explain the specs to me, kalahati ‘di ko naintindihan lol. Pang live stream nga daw. Na-spot niya icon ng Overwatch game which my nephew plays. Aware siya sa presyo pang mayaman daw, dream nga niya ‘yung iba lol,” sabi ng isang follower ni Alden.

Bukod pa sa yayamaning gaming set up ay ipinakita rin ni Alden sa Instagram ng bagong Ferrari niya na ang halaga, batay sa isang car website, ay  nasa pagitan ng P11 million hanggang P39 million depende sa model.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards

Dahil sa ipinost niyang mamahaling kotse at personal gaming computer ay nagkatuwaan ang mga netizens at nag-trending ang #Alden Pautang.

“Ok may nahanap na akong lending #AldenPautang sana nemen ohh hehehe love you.”

#AldenPautang pang graduate studies lang thanks.”

“Naniniwala akong karapat-dapat akong pautangin ni @aldenrichards for my thesis expenses. Ilalagay kita sa acknowledgement page ng manuscript ko not only for the financial support but also for the inspiration yiee pauutangin na ako nyan hahaha#AldenPautang.”

“Sa #AldenPautang walang interes pag nangutang, pero may chance na ‘yung nangungutang ang may interes sa kanya.”

Dalawa lang ang ibig ipahiwatig ng #AldenPautang para sa akin: 1) Alden has reached a new level of success in the eyes of his fans and… 2) His fans are genuinely happy for his success.

Image via Twitter
Source :

GMA Network

Loading…