Hayden Kho, may misyon sa buhay ng 72-taong-gulang na magtataho

  • Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dr. Hayden Kho Jr. ang ukol sa kaniyang espesyal na tulong sa isang matandang nagtitinda ng taho
  • Nais niyang tulungan ang matanda sa espiritwal na aspekto ng buhay nito
  • Ibinahagi na niya sa matanda ang Magandang Balita at nakatakda niya itong i-disciple sa mga susunod na linggo

Isang misyon bilang Kristiyano ang nakatakdang gawin ng celebrity doctor na si Hayden Kho Jr. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Kho ang tungkol sa isang matandang naglalako ng taho na si Mang Peter.

Ayon kay Kho, si Mang Peter ay araw-araw na naglalakad mula Santolan papunta sa kanilang klinika sa Greenhill para alukin sila ng taho.

Imahe mula sa Facebook page ni Dr. Hayden Kho Jr.

“Mang Peter is a 72 years old magtataho from Tarlac. Every day he walks from Santolan to our Belo Clinic in Greenhills with his giant taho cans loaded on his shoulders by a yoke,” pambungad ni Kho.

Sa kabila ng edad ni Mang Peter, kailangan pa rin niyang magtrabaho para madagdagan ang pantustos sa pag-aaral ng dalawa niyang apo.

“He is still working because he is still helping his daughter send her own two children to school (they’re now at grade 6 and 7),” paliwanag pa ng asawa ni Dra. Vicky Belo.

Sa ganitong pagkakataon, may espesyal na handog si Kho kay Mang Peter at iyon ay ang pagbabahagi sa matanda tungkol sa Mabuting Balita ng Panginoon.

Sa susunod na mga linggo, susubukan ni Kho na i-disciple si Mang Peter. Hiniling niya sa mga kapatid nito sa pananampalataya na ipanalangin sila sa kanilang spiritual journey.

“I am sharing the Gospel with Mang Peter today and will attempt to disciple him in the next few weeks. Please pray for us,” hiling ni Kho.

Nagbahagi rin ng Bible verse si Kho.

Imahe mula sa Facebook page ni Dr. Hayden Kho Jr.

 “Come to me, all who labor and are heavy laden, and I will give you rest. Take my yoke upon you, and learn from me, for I am gentle and lowly in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy, and my burden is light,” mula sa Matthew 11:28-30.

Marami ang nagkomento ng kanilang paghanga at panalangin sa misyong ito ni Kho.

Source :

Instagram

Loading…