Pakiusap ng health workers sa publiko: Huwag bumili ng bultuhang face masks, kawawa kaming frontliners

  • Umapela ang isang health worker sa publiko
  • Nakiusap siyang huwag bumili ang mga tao ng bultuhan o maramihang face masks upang hindi sila maubusan
  • Nauna na ritong nanawagan ang DOH sa kasagsagan ng outbreak noong Enero

Isa sa mga pangunahing pangangailangan ngayon ng mga tao upang makaiwas sa kinatatakutang COVID–19, bukod sa alcohol at mga sanitary gel, ay ang face masks. Iminumungkahi ang paglalagay nito sa mukha lalo na kung hindi maiiwasan ang pagtungo sa matataong lugar.

Subalit may masidhing pakiusap naman ang isang health worker sa publiko.

Ayon sa Facebook post ng isang nagngangalang Ma. Theresa Jadia, nananawagan siya sa lahat na huwag bumili ng bulto o maramihang face masks kung walang sakit o hindi naman talaga kinakailangan; ito’y dahil silang front liners ang nauubusan ng kinakailangan nilang pananggalang.

Imahe mula sa Facebook account ni Ma. Theresa Jadia

“Pakiusap lang po na huwag bumili ng bulk kung di naman kailangan. Kawawa kaming mga front liners wala nang magamit,” ayon sa post.

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Business as usual kasi ang iniisip ng iba. Bumibili para lang ipagbenta ng may patong na presyo. Huwag naman po sanang maging gahaman sa pera ang iba. Hindi po kailanman magiging makatarungan ang ganiyan. Kawawa po ang mga taong higit na nangangailangan sa paggamit nito, especially our health workers.”

Turan naman ng isa, “Same goes with alcohol hoarders. Kaunti lang ang alam ko sa medical jargons pero alam kong hindi nakagagaling ang pag-inom ng mga anti-septic liquids. Please bumili lang nang naayon sa maaari mong gamitin dahil mayroon pang mga mas may kailangan ng hino–hoard ninyo.”

“True, hindi naman po talaga need lagi mag–mask unless pupunta sa mataong lugar, mas maganda pa rin alcohol at hugas lagi ng kamay,” saad naman ng isa.

Simula nang pumutok ang coronavirus, nanawagan na ang Department of Health o DOH sa publiko na huwag isagawa ang hoarding o labis–labis na pagbili ng face masks upang hindi maubusan ng magagagamit ang ating health workers, lalo na ang N95 masks.

Public Domain Image

“The N95 mask, we want to reserve this for the health workers who are actually handling cases either PUI’s (persons under investigation) or confirmed positive cases. We ask everybody huwag nang makiagaw sa supplies diyan dahil ang nangangailangan talaga ‘yong mga nangangalaga,” ayon sa panayam noon kay DOH undersecretary Eric Domingo.

“Wake up call” din ito upang pagtuunan ng pansin ang pagpapalawig sa health care system ng bansa dahil maaaring maparalisa ang industriya at ekonomiya kapag may epidemya.

Hangad natin na humupa na ang global concern na ito at maging normal na ang lahat.

Loading…