Hindi lang pantasya ng bayan: Ivana Alawi, nagtapos ng culinary arts para sa kanyang future husband

  • Pinatutunayan ni Ivana Alawi na siya ay mas higit pa sa magandang mukha at katawan
  • Inilahad niya kasi sa isang guesting na siya ay isang graduate ng kursong culinary arts
  • Hilig niya raw magluto at kumain ng mga lutuing Pinoy gaya ng adobo, sinigang, at sardinas

Patuloy na gumagawa ng pangalan si Ivana Alawi sa industriya ng showbusiness. Matapos niyang maging isang exclusive Kapamilya star, maglabas ng sariling musika, at umabot ng apat na milyon ang subscribers sa YouTube, pinamangha niya ang kanyang mga fans nang ilahad niyang nagtapos din siya ng kolehiyo.

Sa isang episode ng Magandang Buhay kung saan si Ivana ang special guest, sinabi ng bagong ‘pantasya ng bayan’ na higit sa kanyang pang-artistang looks, pinagpursigihan niya ring makapagtapos ng kursong culinary arts.

Larawan mula sa YouTube video ni Ivana Alawi

Ayon kay Ivana, kumuha raw siya ng culinary arts dahil ito raw ang gusto ng kanyang amang Moroccan. Maganda raw ang kursong ito dahil hindi lamang maaaring maging pagkakakitaan, ngunit magagamit din kapag naging maybahay na si Ivana sa hinaharap.

“Actually kasi ‘yung dad ko… Parang sabi niya, ‘mag-culinary ka kasi kung mag-aasawa ka dapat magamit mo siya sa kanya.’ So ‘yung dad ko talaga ang nag-push sa aking mag-culinary arts,” paliwanag ni Ivana nang matanong kung bakit ito ang napili niyang kurso.

Inilahad rin ng seksing Kapamilya actress na bagama’y siya ay lumaki sa Bahrain, mas gusto niya pa ring kumain at magluto ng Filipino food tulad ng adobo at sinigang. Wala ring makapipigil sa kanya na kumain ng hilig niyang simpleng pagkain na sardinas.

Hindi rin itinatanggi ni Ivana na kahit isang ‘dyosa’ ang tingin sa kanya ng kanyang mga tagahanga ay nakahiligan na rin niya ang kumain nang nakakamay. Sa isang vlog niya nga na ‘A Day in My Life’ ang tema, ipinakita ni Ivana na kinain niya ang paboritong adobo nang nakakamay lang.

Larawan mula sa YouTube video ni Ivana Alawi

Sa isang video rin sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Ivana na dumaan din siya sa yugto ng kanyang buhay kung saan ay tila nagrebelde siya at mas ginusto niyang laging unahin ang kanyang sariling kasiyahan kaysa isipin ang kanyang mga magulang.

Pero napagtanto niya raw na kailangan niyang ayusin ang kanyang sarili upang maabot pa ang kanyang mga pangarap. At ngayon nga, maliban sa isang college degree ay isang sikat na personalidad na si Ivana.

Panoorin ang guesting ni Ivana kasama ang mga pambansang momshies:

Loading…