Hindi lang si Janine ang naiiwan: Pasahero na gumamit ng ride-hailing app, naiwanan din ng driver na ‘lutang’

  • Viral sa social media ang karanasan ng isang pasahero na nag-book ng masasakyan gamit ang motorcycle ride-hailing app na Joyride
  • Sa post ni Karl Fritz Ramoran, mababasa ang mensahe ng netizen sa driver nitong “lutang” na pinaandar ang motor nang hindi pa naisasakay ang kaniyang pasahero
  • Nagdala naman ng good vibes ang ibinahaging post ng netizen sa Facebook

Una nang kinaaliwan sa social media ang kuwento ng aktres na si Janine Gutierrez tungkol sa pang-iiwan sa kaniya ng driver ng sarili nitong sasakyan.

Imahe mula kay Karl Fritz Ramoran | Facebook

Sa Facebook noong March 7, isa na namang kuwento ng “pang-iiwan” ang ibinahagi ng isang ordinaryong netizen matapos nitong mag-book ng sasakyan gamit ang motorcycle ride-hailing app na Joyride.

“Gaano kasabog yung rider mo? Hahaha! Sakit maiwan,” pabirong sabi ng netizen na kinilalang si Karl Fritz Ramoran sa kaniyang Facebook post.

Sa larawang ibinahagi ng binata, makikita ang palitan nila ng conversation ng driver ng sasakyan na nang-iwan sa kaniya.

Bagama’t maikli lamang ang mensahe, marami naman ang naaliw sa pagpapaalala ni Karl sa driver tungkol sa naiwan nitong pasahero.

“Kuya, nakalimutan mo ko,” mababasang mensahe ni Karl para sa driver.

“Wait lang, sir. Di pala kayo nakasakay,” sagot naman ng driver, ayon sa screenshot ng conversation nilang dalawa.

Dahil dito, hindi tuloy napigilan ng ilan na maipagkumpara ang nangyaring pang-iiwan sa aktres na si Janine Gutierrez at sa binatang si Karl ng kani-kanilang driver.

Nagdulot naman ito ng good vibes sa maraming netizens kaya agad na nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media.

Imahe mula kay Karl Fritz Ramoran | Facebook

“Tawang tawa ako. Bwisit. Hahaha,” pahayag ni PASF sa comment section.

“Akala ko helmet lang naiiwan. Hehehe,” sabi naman ni PLMM.

“Sakit sa tiyan. Dati helment nadadala ng pasahero, ngayon pasahero na naiiwan ng rider. Hahaha,” sabi namn ni BDC matapos makita ang post ni Karl sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…