Hollywood action superstar Vin Diesel, binati at inimbitahang manood ang Pinoy fans ng bago niyang pelikula

  • Binati ni Vin Diesel at inimbita ang mga Pinoy fans na manood ng bago niyang pelikula
  • Tungkol sa isang ultimate soldier na may super powers ang pelikula
  • Sa March 11, 2020 mapapanood sa mga sinehan sa bansa ang pelikula ni Vin Diesel

Binati ng Hollywood action superstar na si Vin Diesel ang mga Pinoy fans at inimbitahan ang mga ito na panoorin ang bago niyang action thriller movie na“Bloodshot.

Screenshot mula sa Columbia Pictures video

“Mabuhay, Philippines. Come watch Bloodshot at your favorite cinemas this week,” bati ng American action superstar na sumikat dahil sa street racing action movie na “The Fast and the Furious” at action thriller na “XXX.”

Ang istorya ng pelikula ay tungkol sa isang elite soldier na si Ray Garrison na nasawi sa pakikipaglaban at muling binuhay ng isang malaking korporasyon – ang RST Corporation – sa pamamagitan ng nanotechnology. Ginawa ito ng kumpanya sa ilalim ng Project Rising Spirit project na layuning makalikha ng ultimate soldier.

Dahil sa bilyun-bilyong nanobots na itinurok sa kanyang mga ugat ay nagkaroon ng super powers si Garrison tulad ng instant healing o regeneration at kakayahang mag-iba ng anyo o shape shifting. May kakayahan din siyang iugnay ang sarili sa anumang electronic device. Tinawag siyang Bloodshot.

Halos mabura ang lahat ng alaala ni Garrison nang binago ang kanyang katawan. Habang tumatagal ay may nanunumbalik na alaala sa kanyang isipan subalit hindi niya malaman kung alin ang totoo at hindi. Desidido siyang malaman ang buong katotohanan.

Screenshot mula sa Columbia Pictures video

Ang pelikula ay idinirihe ni David S. F. Wilson. Hango ito sa The Valiant Comic Book. Isa rin si Vin Diesel sa mga producers ng pelikula.

Mapapanood ito sa mga sinehan sa Pilipinas simula sa Miyekules, ika-11 ng Marso.

 

Source :

YouTube, Philstar

Loading…