‘Home quarantine store’ ng isang ina, kinaaliwan

Imahe mula sa Facebook | Hycinth Clor de Arta
  • Marami ang natuwa sa ideya ng isang ina upang maturuan ang mga bata ng kahalagahan ng kasipagan sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine
  • Upang makabili ang mga bata mula sa quarantine store na kaniyang binuksan ay kailangan muna nilang tumulong sa mga gawaing bahay
  • May mga panuntunan din silang ipinatutupad upang malaman ng mga bata ang mga hakbang upang maiwasan ang COVID-19

Upang turuan ang kaniyang mga anak at pamangkin ng kahalagahan ng kasipagan sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine ay nagbukas ang isang netizen ng “quarantine store.”

Imahe mula sa Facebook | Hycinth Clor de Arta

Dito ay may katumbas na halaga ng play money ang bawat gawaing bahay na kanilang matatapos. Ang kanilang maiipon ay maaari nilang gamitin upang bumili mula sa “Mama’s quarantine store.”

“[This is] how we make them productive amid the lockdown. Money is earned after certain hard work,” ani Hycinth Clor de Arta sa kaniyang post. “Siyempre wala nang libre ngayon so you have to teach them how to earn money and work to get the things they want.”

Ilan sa mga nakalistang gawaing bahay na may kapalit na pera ay pagwawalis sa kusina at sala, at pagsasalansan ng mga tsinelas. Gamit ang mga naipon ay maaari silang bumili ng mga biscuit, at candy mula sa tindahan.

Imahe mula sa Facebook | Hycinth Clor de Arta

Bukod dito ay may panuntunan din siyang ipinatutupad. Kailangang nakasuot ng mask ang bibili at dapat ding mag-alcohol muna bago bumili. “Anyone na mag-away or mag-cry, banned sa store for 3 hours,” nakasaad din dito. “If you want money, mag-work sa bahay para may sweldo.”

Sa isang larawan, makikita rin na ipinatutupad nila ang social distancing sa pagpila upang bumili.

Marami ang natuwa sa ideyang ito. Sa katunayan, sa kasalukuyan ay may 65k reactions at 80k shares na ito.

“Ang galing. Natuturuan pa ang mga bata,” komento ni M. Lavenza. “Ang galing nito, mommy. Good job! Gawin ko rin sa mga chikitings,” sabi naman ng isa.

Source :

Facebook

Loading…