Honest taxi driver na nagsauli ng back pack na may lamang P1 million, hinangaan

  • Taxi driver sa Butuan City hinangaan dahil sa katapatan
  • Isinauli ng driver na si Christian Estrada ang back pack na may lamang P1 million sa mga pasaherong nakaiwan sa loob ng taxi niya
  • Hindi nagdalawang-isip si Christian at agad nagtungo sa presinto upang personal na isauli ang pera sa pasahero

Kahanga-hanga ang ipinakitang katapatan ng isang taxi driver sa Butuan City na hindi natukso na sarilinin ang malaking halaga ng pera na naiwan ng pasahero niya sa loob ng taxing minamaneho.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Kinilala ang tapat na driver na si Christian Estrada. Sinundo raw niya ang mag-asawang pasahero sa hotel na tinutuluyan ng mga ito noong Miyerkules, ika-12 ng Marso, at hinatid sa terminal ng bus.

Pagbaba ng mag-asawa ay naiwan pala ng mga ito ang isang back pack na naglalaman ng isang milyong piso. Hindi rin daw napansin ni Christian ang naiwang bag. Napansin lang niya ang back pack na naiwan nang bumaba siya sa minamanehong sasakyan para may bilhin sa tindahan.

Pagbalik niya sa taxi ay saka pa lang niya napansin ang naiwang bagahe ng pasahero.

“Wala sila kabantay ako pud wala may gani nihapit kog tindahan kay naa koy gipalit pagbalik nakog sakay nasiplatan nako ang bag,” kuwento niya.

[Hindi nila napansin, hindi ko rin napansin ang bag. Pagkahatid, dumaan muna ako sa tindahan para bumili. Pagbalik ko sa sasakyan, nakita ko ang naiwang bag.]

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Hindi nagdalawang-isip si Christian na isauli ang back pack sa may-ari niyon. Agad siyang nagtungo sa presinto upang personal na maibalik sa mag-asawa ang isang milyong piso na napag-alamang gagamitin pala ng ng mga ito para sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Ipinagmalaki naman ni Juanito Ubas, ang chairperson ng BALTRANSCO – ang taxi service cooperative sa Butuan City, ang ginawa ng kasama sa hanapbuhay na si Christian.

Aniya, sana lahat ng mga tsuper, hindi lang ng mga taxi, ay maging katulad ni Christian kapag naharap sa kaparehong sitwasyon. Nakaka-proud naman talaga, ‘di ba?

Screenshot mula sa ABS-CBN video
Source :

ABS-CBN

Loading…