Hotel industry nalulugi dahil sa COVID-19, singil tatapyasan para mahikayat mamasyal ang mga turistang Pinoy

  • Hotel industry sa bansa nalulugi dahil sa COVID-19
  • Pinaplano ng mga hotel owners na tapyasan ang singil upang mahikayat na mamasyal ang mga turistang Pinoy
  • Aabot sa P44 billion ang nalulugi sa tourism industry ng bansa at 50% ng halaga ay mula sa hotel industry

Planong tapyasan ng mga hotel ang kanilang singil upang mahikayat na mamasyal ang mga turistang Pinoy. Ang hakbang ay bunsod ng nararanasang pagkalugi dahil sa pangambang idinudulot ng coronavirus (COVID-19).

Imahe mula sa PNA

Ibinahagi ni Rafael Chico, kinatawan ng Philippine Hotel Owners Association, Inc., na tinatayang aabot sa P44 billion ang pagkalugi ng industriya ng turismo sa bansa dahil sa COVID-19 at ang kalahati ng nasabing halaga ay mula sa hotel industry.

“Sa hotel, I believe mas malaki ang percentage niya sa hotel. Siguro kung ipo-pro rata mo ‘yung P44 billion, nasa 50% ‘yan palagay ko,” aniya.

Marami na raw ang nagkansela ng mga hotel bookings dahil sa travel ban at lockdown ng mga paliparan.

“That’s inclusive of the hotel revenue, because there were so much cancellations already because of the travel ban and lockdown ng mga airports and flights, so the hotel industry is really much affected at this time,” paliwanag ni Rafael Chico.

Sa datos ng Department of Tourism, sa South Korea nanggaling ang pinakamaraming foreign tourists na namasyal sa bansa at sinundan ito ng China para sa taong 2019.  Ang dalawang bansa ang may pinakamaraming kaso ngayon ng COVID-19.

Imahe mula sa Philippine Hotel Owners Association, Inc

At dahil nga sa pagbaba ng kinikita ay planong tapyasan ng mga hotel owners ang singil para mahikayat ang mga turistang Pinoy.

“There are some hotels greatly affected and they are now thinking of promoting cost reduction program. If we will be able to promote the domestic tourism in the country, we will be able to bounce back and we will be able to at least cope with this negative effect of the reduced influx of tourists into our country,” paliwanag ni Chico.

Isa umano ang Okada Manila sa mga hotel na magpapatupad ng bawas-presyo. Hanggang 40% ang kanilang promo rate.

Ang ibang hotel naman ay magpapatupad ng “compressed work hours” sa mga empleyado upang mabawasan ang kanilang operation cost.

Imahe mula sa Okada Manila

Loading…