“Hugot” ng dalawang guro para sa kanilang mga mag-aaral, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang “hugot memes” ng dalawang guro sa Junior High School
  • Makikita ito sa kanilang graduation photo na kinuhanan umano ng official photographer ng paaralan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang komento

Hindi lamang mga mag–aaral at kabataan ang maaaring “humugot” kundi maging ang mga guro na itinuturing na “pangalawang magulang” ng mga “pag–asa ng bayan”.

Batay sa Facebook post na ibinahagi ng page na “Best Memes PH”, kinaaliwan ng mga netizens ang mga larawan ng dalawang gurong may hawak na caption na naglalaman ng kanilang “hugot” para sa kanilang mga mag–aaral, na maaaring ilalagay sa kanilang yearbook na ibibigay sa mga graduating students.

Imahe mula sa Facebook page na Best Memes PH

Sa unang larawan, makikita ang hawak na caption ni Ma’am na “Ikaw ba’y ipinagpalit? Well, hindi ‘yan masakit. Alam mo yung masakit? Teacher mo ‘ko ulit.”

Sa pangalawang larawan naman, ang nakalagay sa caption ni Ma’am ay “Napataas mo man ang dugo ko, napababa ko naman ang grades mo.”

“Benta” naman ito sa mga netizens, lalo na ang mga mga mag–aaral. Nagbigay sila ng kani–kanilang komento hinggil dito.

Sabi ng isa, “Ang gaganda naman… my Nanay Neri at Ma’am Angie. An inspiration to all aspiring teachers. I love you both.”

“Mga best friends ko sila and they are one of the school’s best teachers. Kulitan pics lang ‘yan during their graduation photo shoot as Grade 10 advisers, provided kasi ng official photographer namin yung mga hawak nilang memes,” paliwanag naman ng isa.

Turan naman ng isa, “Thank you teacher kahit alam namin na pagod kayo nakukuha ninyo pa mag–joke… ok lang ‘yan… we honor all teachers… Thank you so much.”

Public Domain Image

Subalit may ilan namang mga netizens na tila sineryoso ang mga hugot memes ng dalawa. Sana raw ay hindi na ito ginawa ng dalawang guro dahil maaari itong makasakit sa damdamin ng mga mag–aaral. Ipinagtanggol naman sila ng iba na ito’y sadyang katuwaan lamang at hindi dapat seryosohin at huwag gawing usapin.

Loading…