Hulicam: Guwardiyang naispatan na kinukunan ang sariling temperatura, kinaaliwan online

  • Kinaaliwan sa social media ang larawan ng isang guwardiya habang kinukuhanan ng temperatura ang kanyang sarili
  • Sa gitna ng pag-iingat ng lahat laban sa COVID-19, sinisiguro lang rin umano ng sekyu na normal pa rin ang kaniyang temperatura
  • Agad namang nag-viral ang post tungkol sa guwardiya at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media

Iba’t ibang paraan ang ipinatutupad ng mga pampublikong establisimyento upang makatulong na hindi na dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula kay Benj De Luna Fernandez | Facebook

Halimbawa na rito ang paglalagay ng hand sanitizers sa iba’t ibang bahagi ng malls at restaurant at maging ang paggamit ng thermal scanners sa mga taong pumapasok rito upang masiguro na walang makapagdadala ng sakit sa lugar.

Sa social media, nagdala naman ng good vibes ang larawan ng security guard matapos itong maispatan na kinukuhanan ang sarili niya ng temperatura.

Ibinahagi ng netizen na kinilalang si Benj De Luna Fernandez ang mga larawan ng guwardiya sa Facebook noong March 13.

“Sa dami-daming tao na nakakaharap ni kuya guard, naninigurado na lang din siya. Nakakaawa ‘yung trabaho nila dahil sa exposure nila pero natawa lang rin ako nang kaunti,” sabi nito sa post.

Sa larawan, makikitang masipag na ginagawa ng sekyu ang kaniyang trabaho na siguraduhing walang lagnat ang mga taong pumapasok sa lugar na kaniyang binabantayan.

Ilang sandali pa ay matatanaw naman na ginagamit na nito ang hawak na thermal scanner para i-check ang sarili niyang temperatura.

Batid ni Benj na maraming tao ang nakakasalamuha ng mga sekyu sa araw-araw kaya naman naninigurado lang rin umano ito na wala rin siyang sakit.

Imahe mula kay Benj De Luna Fernandez | Facebook

Agad namang nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

“Bless you, manong. A brave gatekeeper. Respect,” sabi ni GKL.

“They are considered as front liners, too. Hoping for their wellness,” pahayag naman ni JH.

“Nakakatawa man ang ginagawa ni kuya, tama naman. Bago ‘yung ibang tao, sarili muna ang unahin niya,” ayon naman kay YA.

Source :

Facebook

Loading…