Huwag judgmental! Sari–sari store owner napagkamalang hoarder

  • Nagbunsod ng katatawanan ang Facebook post ng isang mamimili
  • Napagkamalan daw siyang “hoarder” dahil sa punum-puno ang mga basket ng kaniyang pinamili
  • Siya raw ay huwag husgahan dahil may sari–sari store daw siya sa bahay

Matapos ang deklarasyon ng suspensyon ng mga klase ni Pangulong Rodrigo Duterte, at kasunod ng kautusang “community quarantine” sa buong Pambansang Punong Rehiyon o National Capital Region, agad na lumabas ang mga mamimili sa kani–kanilang mga tahanan at nasaksihan ang “panic buying” sa mga supermarkets, grocery stores, palengke, at iba pang mga pamilihan.

Kaniya–kaniyang pagbabahagi ng larawan ang mga consumers na nagpapakita ng haba ng pila sa mga pamilihan, o kung paano nangyayari ang panic buying o hoarding.

Kinatuwaan naman ng mga netizens ang Facebook post ng nagngangalang “Drin Sang–ulan” kung saan sinabi niyang muntik na siyang mapagkamalang “hoarder”.

Imahe mula sa Facebook account ni Drin Sang-ulan

“ANG SAMA TUMINGIN NG MGA KASABAY KO! HINDI PO AKO NAGPA–PANIC BUYING. MAY SARI-SARI STORE PO KAMI SA BAHAY!” ayon sa post ng netizen.

Makikita sa larawan ang pitong malalaking basket na naglalaman ng iba’t ibang mga produkto, na ayon sa netizen ay ilalagay niya sa kaniyang tindahan.

Nagbunsod naman ito ng katatawanan sa iba pang mga netizens at nagbigay ng komento hinggil dito.

“Hahaha. I could relate. Matatalim tumingin ang mga tao ngayon sa mga supermarkets. Tinitingnan nila ‘yung mga pushcarts na dala ng kapwa mamimili. Kapag marami kasing pinamili, hahaba rin ang pila, medyo matagal ang bawat transaksyon,” sabi ng isa.

“Naku huwag po tayong judgmental. Hahaha. Para sa akin, okay lang naman ang mamili ng mga kailangan sa bahay, pero sana naman, huwag mag–hoarding kasi kawawa naman yung iba. Iniligtas nga natin ang sarili natin, paano naman ang iba?” turan naman ng isa.

Public Domain Image

“Hahaha. Mahirap ang kalagayan mo, kuya. Minsan talaga maraming mga taong mapanghusga. Lahat na lang binabantayan ang bawat kilos mo. Parang sa pagmamahal. Nakabantay ang mga tao kung kailan ka magkakamali. Char!” hugot naman ng isa.

Ang hoarding ay isang akto ng pagbili nang marami o bultuhan ng isang partikular na produkto dahil sa mataas nitong demand na nakabatay sa kalagayang panlipunan at pang–ekonomiya. Sa pananalasa ng COVID–19, mataas ang demand sa mga medical supplies tulad ng sanitizers, face masks, disinfectants, at mga gamot.

Loading…