“I can be the alpha that I am, all the time” – Pia Wurtzbach sa bago niyang pag-ibig

  • Muling ipinamalas ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kaniyang kagandahan nang maging cover girl siya ng Mega Magazine para sa March 2020 issue nito
  • Sa isang panayam, ibinahagi ni Pia na nais niyang maging mas makabuluhan ang kaniyang buhay
  • Ibinunyag din niya ang ukol sa isang bagong pag-ibig na nagdudulot sa kaniya ng ibayong saya at inspirasyon

Cover girl ng March 2020 issue ng Mega Magazine si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Ito rin ang ika-pitong pagkakataon na nag-cover si Pia para sa nasabing magasin.

Imahe mula sa Facebook page ni Pia Wurtzbach

Ngunit sa pagkakataong ito, ibinahagi ni Pia kung ano ang tunay na nagpapaligaya sa kaniya.

Sa tampok na lathalain ng Mega, ipinahayag ni Pia na nais na niyang marinig ng madla ang kaniyang tinig. Nais niyang maramdaman at malaman na may kabuluhan ang kaniyang mga opinyon.

“I don’t want to be just like another person in this world who lived and never really made a mark. I want to be remembered,” isang bahagi ng pahayag ni Pia sa Mega.

Bagama’t nanalo na bilang Miss Universe at inamin na may malaki itong naiambag sa kaniyang buhay ay ayaw ni Pia na iyon na lamang ang maging pinakamatagumpay na yugto sa kaniyang buhay. May mga bagay pa siyang nais makamtan kaya patuloy siyang nagsisikap.

Sa usapin ng pag-ibig, noong isang taon lamang ay naging usap-usapan ang breakup nila ng kaniyang ex-boyfriend na si Marlon Stockinger, isang car racer. Nahaluan ng kontrobersiya ang pagwawakas ng kanilang relasyon.

Ang pagwawakas ng relasyon nila ni Marlon ay ginamit ni Pia bilang pagsisimula niyang muli. Mas naging pokus na siya sa trabaho at patuloy na natututo mula sa kaniyang mga karanasan.

Nang kumpirmahin ni Pia sa panayam ng Mega ang tungkol sa bago niyang pag-ibig ay sinabi nito kung gaano siya kasaya at kung paano siya kakuntento.

Imahe mula sa Facebook page ni Pia Wurtzbach | Mega

“I’m happy, I’m inspired, I feel very empowered. I feel like I can be myself and I don’t have to water myself down. I can be my full self.”

“I can be my full Pia, 100% empowered Pia, fight mode all the time; I can be the alpha that I am, all the time. I don’t have to filter myself for anyone anymore,” makahulugang pahayag ni Pia.

Source :

Mega

Loading…