Ilang kainan at coffee shops, nagbibigay ng libreng kape sa mga medical workers bilang pasasalamat sa mga ito

  • May simpleng reward ang ilang kainan para sa kasipagan ng mga medical workers sa panahon ng COVID-19
  • Libre ang kape para sa mga medical workers sa ilang kainan at coffee shops sa Metro Manila bilang pasasalamat sa mga ito
  • Simple man, marami ang natuwa sa pagbibigay-pugay na ito para sa mga nasa propesyon ng medisina

Kung may mga itinuturing na bayani sa panahon ngayon na patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ito ay ang mga health  workers; kabilang ang mga doktor, nurses, at iba pang staff sa mga pagamutan. Sila kasi ang tinatawag na frontliners —  mga taong exposed rin sa nasabing virus at nailalagay sa peligro ang kanilang sariling kalusugan para lamang mailigtas ang iba.

Dahil dito, maraming netizens ang nagbibigay ng kanilang pagsaludo sa mga medical workers sa kanilang mga post. Ipinaaabot nila sa mga ito ang kanilang paghanga at pasasalamat sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa ating bayan.

Larawan mula sa Pexels

At para naman sa ilang negosyante, mayroon silang simple ngunit nakapagbibigay ng inspirasyon na handog para sa mga medical worker.

Ang ilan kasing kainan at coffee shops sa Metro Manila ay nagbibigay ng libre nilang produkto sa mga medical staff na pumupunta sa kanilang mga shop bilang pasasalamat sa kanilang mabubuting gawain upang mapagaling ang ating mga kababayan.

Una nang ibinahagi ng restaurant na Pino, kasama ang sister restaurants nito na Pipino (vegetarian resto) at Pi Breakfast and Pies, sa kanilang Facebook page na mayroong unli coffee na libre nilang makukuha mula sa kanilang mga resto.

Kabilang sa mga makakukuha ng libre ay ang mga bahagi ng academe o mga siyentipiko na malaki rin ang ambag sa pagpuksa ng COVID-19, maging ang mga nagtatrabaho bilang medical staff sa mga ospital. Nais ng chain of resto na ito sa Malingap Street, Quezon City na mabigyang pasasalamat ang mga nasa medical field lalo na ang mga 0spital at iba pang institusyon na malapit sa kanilang lokasyon.

“As gratitude to all of you working in the medical field against COVID-19, and in the academe towards faster detection and cure, get your free and unlimited brewed coffee from Pino Restaurant, Pipino Veg and Pi Breakfast & Pies from March 14 until this situation plateaus. Just show us your ID,” pahayag ng post ng Pino Restaurant.

“To our QC neighbors East Avenue Medical Center, Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, V. Luna Medical Center and University of the Philippines Diliman, our special and sincerest thanks,” pagpapatuloy ng post.

Larawan mula sa Pexels

Maging ang sikat na coffee brand na Coffee Bean and Tea Leaf ay sumali na rin sa pagbibigay-pugay sa mga medical workers. Ang mga empleyado ng Makati Medical Center ay libre na ring makakukuha ng kanilang kape sa branch ng coffee shop sa nasabing pagamutan.

Kailangan din lamang ipakita ng isang empleyado ang kanyang ID upang makakuha ng free small brewed coffee hanggang sa katapusan ng Marso.

Bless you all!

Loading…