Ilang residente sa Bulacan na nakararanas ng gutom dahil sa ECQ: “Humihingi po kami ng kaunting tulong”

  • Ilang residente ng Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan ang nananawagan ng tulong
  • Wala na raw kasi silang makain pagkat hindi makapagtrabaho dahil sa umiiral na community quarantine
  • Pami-pamilya ang nasa daan bitbit ang kanilang karatulang nanghihingi ng tulong

Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), maraming mga Pilipino ang hindi nakapagtatrabaho ngayon. Lalong apektado ang mga mamamayan na umaasa lamang sa trabahong arawan ang sahod o pagkakaroon ng kita tulad ng mga nagtitinda, mga nangangalakal, at iba pang kabuhayan na pa-ekstra-ekstra lamang.

At kaugnay ng hindi nila pagtatrabaho ay ang kawalan ng perang pambili ng pagkain nila. Ilang araw pa lamang ipinatutupad ang ECQ, mayroon nang mga balita na may ilang mga Pilipino na ang nakararanas ng gut0m at hindi naaabutan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Larawan mula kay John Dela Vega

Ganito ang laman ng post ng netizen na si John Dela Vega na ibinahagi naman ng Facebook page na Balitang SJDM. Ilang residente kasi sa Barangay Sto. Cristo, San Jose del Monte, Bulacan ang wala na raw makain kaya minarapat nilang manghingi na ng tulong sa daan.

Kapansin-pansin sa larawan ang mga karatulang gawa ng mga residente na nanghihingi ng tulong sa mga dumaraan. Kasama ang mga pamilya, nakapuwesto sila sa tabi ng mga karatulang gawa nila at nagbabakasakaling may makapansin at abutan sila ng ayuda.

Marami ang nangamba nang makita ang mga larawan dahil hindi na nasusunod ang social distancing ng mga tao at wala pa silang suot na anumang pananggalang sa mga mikr0by0 tulad ng face mask. May mga bata pa namang nanghihingi ng tulong na mas exposed sa banta ng C0VID-19.

Agad na kumalat sa Facebook ang nasabing mga larawan ng mga kaawa-awang residente. Umabot sa higit 1,000 reactions, 300 comments, at 700 shares ang nakuha ng post. Marami din ang naawa sa kalagayan ng mga pamilyang walang pagpipilian kung hindi ang makipagsapalaran sa mga ganitong panahon.

Larawan mula kay John Dela Vega

May ilang umapela na ng tulong sa lokal na pamahalaan ng City of San Jose del Monte na unahing bigyan ng tulong ang mahihirap na residente ng kanilang lungsod. Kailangan daw na mabigyan agad ng pansin ang mga residenteng ito para na rin sa kapakanan ng buong lungsod.

Batid kasi ng ilang netizens na kapag nagkaroon ng karamdaman ang isa sa mga ito ay maaari ring kumalat sa kanilang lugar na magiging dagdag pa sa suliranin ng mga opisyal kung nagkataon.

Loading…