
- Ibinahagi ni Ivana Alawi na noon ay nakaranas umano ng di
skriminasyon ang kaniyang ina - Dahil sinusundo siya ng ina sa eskuwelahan sa Bahrain ay tinanong daw si Ivana kung katulong nila ang sumusundo sa kaniya
- Sabi ni Ivana malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang ina dahil hindi ito sumuko sa kaniyang karera
Malaki ang pasasalamat ng Kapamilya actress na si Ivana Alawi sa kaniyang inang si Fatima Marbella dahil sa pagiging supportive nito sa kaniya.

Minsan daw, sa sobrang pagiging hands-on nito ay nakaranas ang ina ng diskriminasyon mula sa mga kaklase niya sa Bahrain. “[Tinanong ako], ‘Is that your helper?’ [Sabi ko,] ‘No, that’s my mom,’” kuwento ni Ivana.
Ikinalungkot daw niya ang mababang pagtingin ng ibang banyaga sa mga Pilipino. “Para sa akin, huwag mong mamaliitin ang mga Pinoy kasi masisipag kami,” aniya.
Ibinahagi rin ni Ivana sa isang episode ng “Magandang Buhay” ang papel na ginampanan ng kaniyang ina upang makapasok siya sa mundo ng showbiz. Kahit daw noon na hindi pa siya nabibigyan ng malalaking role ay malaki na ang tiwala ng kaniyang mommy na balang araw ay makikilala rin siya.

Matapos makaranas ng paulit-ulit na rejection noon ay nagdesisyon si Ivana na ituon ang atensyon sa pag-aaral. Kahit nakapagtapos na ng kursong culinary arts ay kumuha siya ng Marketing course. Sa kabila nito ay hindi pa rin sumuko ang kaniyang ina.
“Si mommy, hindi tumigil. Sinend niya ‘yung picture ko sa siguro limang iba’t ibang manager. Sabi niya, ‘Anak, gusto kang i-meet.’ Sabi ko, bakit gusto akong i-meet eh hindi naman ako nagpo-post? Paano?’ Sabi niya, ‘Sinend ko ‘yung picture mo, whole body, close up,” pagbabahagi niya. “May nakikita akong potensyal sa’yo kung hindi mo nakikita, ako nakikita ko.”
Doon na raw nagsimulang maging makulay ang kaniyang karera. Ngayon ay isa nang exclusive artist ng ABS-CBN si Ivana. Mapapanood siya sa teleseryeng “Ang Lihim Ni Ligaya.”