Isang milagro: Kim Chiu, ibinahagi ang katotohanan sa likod ng kinasangkutang insidente

  • Sa loob ng halos 15 minuto, isinapubliko ni Kim Chiu ang katotohanan at ang kaniyang nararamdaman matapos ang kinasangkutang insidente
  • Inamin niyang nasasaktan siya sa mga paratang sa kaniya ng ilang netizens
  • Gayunman, lubos ang kaniyang pananalig na prinotektahan siya ng Panginoon noong mga sandaling iyon

Dahil sa enhanced community quarantine, maraming bagay ang nakapagnilayan ni Kim Chiu. Kabilang na rito ang pagpapasya niyang ibahagi ang katotohanan hinggil sa kinasangkutang pananambang.

Sa vlog, sinabi ni Kim na kahit gaano kapositibo ang kaniyang pananaw ay inamin niyang tao rin siyang nasasaktan sa mga negatibong komento na nababasa niya sa social media. Ginawa niya ang vlog sapagkat marami ring tao ang nangangamusta sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook ni Kim Chiu

May mga bagay na nilinaw si Kim tungkol sa nangyaro. Una, pinabulaanan ni Kim ang tungkol sa kaniyang bulletproof van. Sa linya umano ng kaniyang trabaho, hindi kailangan ng ganoong uri ng sasakyan.

Pangalawa, nabahala raw si Kim sa isang komento ng netizen na inintriga ang masasayang social media post ng aktres kahit isang linggo pa lamang daw ang lumilipas mula noong insidente.

Sa paliwanag ni Kim, may iba’t ibang paraan ang tao para maalpasan ang kani-kaniyang suliranin. Nagawa rin niyang dumiretso agad sa taping dahil iyon ang natural instinct niya matapos ang insidente.

Pangatlo, sobrang nalungkot daw si Kim nang pinagpipilitan ng isang tao na fake ambush ang nangyari at ang mas nakalulungkot pa rito ay marami ang naniniwala sa taong iyon.

Hindi raw niya ilalagay sa panganib ang buhay ng mga taong nag-aalaga sa kaniya para lang sa sinasabi ng iba na para sa publicity lamang iyon.

Tila nabunutan naman ng tinik sa lalamunan si Kim nang may kumumpirma sa kaniya na hindi talaga siya ang puntirya ng mga suspek.

Higit sa lahat, nais ibahagi ni Kim ang milagrong kaniyang naranasan.

Screen grab sa YouTube vlog ni Kim Chiu

“God moves in mysterious ways. Nandiyan Siya sa oras ng panganib,” pahayag ni Kim.

Mahirap man daw ipaliwanag ang kanilang pagkakaligtas, naniniwala ang aktres na prinotektahan sila ng Panginoon. Naging paraan daw iyon para patunayan na laging nakagabay sa atin ang Panginoon.

Panooring ang buong video sa ibaba:

Source :

YouTube

Loading…