It’s a girl: Anne Curtis, nanganak na

Imahe mula sa Instagram | Anne Curtis
  • Isinilang na ni Anne Curtis ang panganay nila ng asawang si Erwan Heussaff
  • Ibinahagi ni Atty. Ferdinand Topacio ang balitang ito sa kaniyang Twitter
  • Nakausap daw ni Topacio si Nico Bolzico, brother-in-law ni Erwan, na siyang nagkumpirma sa kaniya ng balita

Nanganak na ang Kapamilya actress at It’s Showtime host na si Anne Curtis.

Ayon sa ulat ng Pep PH, isinilang na ni Anne ang baby girl nila ni Erwan Heussaff March 2, 2020 sa Melbourne, Australia.

Imahe mula sa Instagram | Anne Curtis

Ibinahagi rin ni Atty. Ferdinand Topacio ang balitang ito sa Twitter. “Congratulations to Ms. Anne and Sir Erwan. It’s a girl,” aniya.

Nakausap daw ni Topacio si Nico Bolzico na nagsu-supply ng feeds sa piggery ng kaniyang kaibigan. Ayon pa sa ulat, ipinaabot ni Topacio ang kaniyang pagbati para sa anak nina Nico at Solenn at dito na raw sinabi ni Nico, brother-in-law ni Erwan, na nanganak na rin si Anne.

“Hindi ko alam na si Nico ‘yung kausap namin. Si Nico ‘yung nagsu-supply ng feeds niya. [Sabi ko,] Congratulations, it is a girl. [Sabi ni Nico], ‘Anne just gave birth also. Two hours ago. It is also a girl,’” kuwento ni Topacio. “Wala na, the cat is out of the bag, ano pang gagawin natin? E, malay ko ba. Kinongratulate ko, fan ako ni Anne, e. Si Nico mismo nagsabi.”

Nobyembre 2019 nang ibahagi ng mag-asawang Anne at Erwan sa pamamagitan ng isang video na expecting na sila sa kanilang unang baby.

Matatandaang ding kinasabwat ni Anne ang director ng It’s Showtime na si Direk Bobet Vidanes para ibalita sa mga kaibigan at kapwa host na magiging ina na siya. Bilang bahagi raw ng 10th anniversary ng show, ipinasulat ni Direk Bobet sa mga host kung ano siya at ang Showtime para sa kanila. Si Anne ang nasa huli at isinulat ang “Family, I’m pregnant.”

Saksi ang programa sa iba’t ibang milestones sa buhay ni Anne kaya ganoon na lamang daw kahalaga para sa kaniya ang Showtime.

“From being single, nagkaroon ng boyfriend, nagkaroon ng asawa and now I am going to be a mom,” sabi ni Anne.

Disyembre 2019 nang simulan ni Anne ang kaniyang maternity leave upang magtungo sa Australia.

Imahe mula sa video ng ABS-CBN Entertainment via YouTube
Source :

PEP, DF Balita

Loading…