Ituring din bilang frontliners: Hazard pay at protective gear para sa mga kolektor ng basura, isinusulong

  • Nais ng Ecowaste Coalition na mabigyan ng hazard pay ang mga garbage collector
  • Isa rin daw kasi sa mga frontliners ang mga ito na kailangan ng ayuda mula sa pamahalaan
  • Nananawagan din sila ng protective equipment para sa mga garbage collector

Tuloy-tuloy ang pagkilala ng mga netizen, kilalang personalidad, at mga nasa pamahalaan sa kagalingan, katapangan, at kabutihang loob ng mga frontliners, o iyong mga manggagawa na tuloy ang trabaho sa kabila ng banta ng pandemic sa COVID-19. Kabilang sa mga ito ay mga healthcare workers, medical staff, p0lice at military personnel, security guard, social workers, attendants sa bangko at mga pamilihan at botika, at maging mga tao sa food industry.

Ngunit mayroong panawagan ngayon ang isang grupo patungkol sa dapat na ibigay na pagkilala at benepisyo para sa mga manggagawa na dapat ding ituring bilang frontliners—ang mga kolektor ng basura.

Larawan mula sa PNA

Ayon sa pahayag ng zero waste campaigner ng Ecowaste Coalition na si Jove Benosa, ang mga kumukuha at nagpoproseso ng mga basura ay kailangang makatanggap ng karampatang tulong mula sa pamahalaan, kabilang ang protective gears at magkaroon ng hazard pay.

Exposed rin daw kasi ang mga ito sa COVID-19 at iba pang mga karamdaman dahil mga kalat at basura ng mga mamamayan ang kanilang kinukuha na karaniwan ay kinabibilangan ng mga gamit na face masks, tissue, at iba pang mapanganib na dumi mula sa iba’t ibang industriya at gusali.

“We believe that waste workers are entitled to hazard pay, especially this period of Covid-19 pandemic. We hope the public and private sectors will duly consider giving them additional compensation in recognition of their high-risk work during these difficult times,” sabi ni Benosa sa isang pahayag

“It’s common knowledge that workers who handle, collect and dispose of waste, especially unsorted discards that may contain hazardous and infecti0us waste, are often at serious risk of being exposed to germs, pathogens, sharps, dust, and harmful chemicals,” dagdag pa ni Benosa.

Larawan mula sa Pexels

Dahil dito, hiling niya na sana ay magbigay ang pamahalaan ng mga pansariling protective equipment para sa mga nangongolekta ng basura gaya ng safety gloves, face mask, protective hats and shoes, maging mga sanitary essentials tulad ng alc0h0l at hand sanitizers.

Makatutulong din umano ang pagpapanatili ng bawat mamamayan sa umiiral na segregation rule na ipinatutupad ng ilang lungsod at lalawigan. Sa panahon daw ng COVID-19, kailangan umanong ipatupad ng buong bansa ang paghihiwalay ng mga basura upang hindi na ito galawin pa ng mga kolektor at paghiwa-hiwalayin na lubhang mapanganib rin para sa kanila.

Loading…