Ivana vs Iguana: Alex Gonzaga ginaya ang popular vlog ni Ivana Alawi; nagkaroon din ng faceoff

  • Nag-collaborate ang dalawa sa pinakasikat na vloggers ngayon sa Pilipinas na sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga
  • Ginaya ni Alex ang isa sa mga sikat na vlog ni Ivana at pinangalanan ang sarili bilang si Iguana Balawi
  • Game na game naman si Ivana at wala nang nagawa kung hindi matawa sa mga hirit ni Alex

Pinasaya ng dalawang sikat na Pinoy vloggers na sina Alex Gonzaga at Ivana Alawi ang mga netizens na karamihan ay nasa kani-kanilang bahay lang dahil sa community quarantine. Ginaya kasi ni Alex ang popular na ‘A Day In My Life’ video ni Ivana na umani na sa kasalukuyan ng 17 million views.

Nag-umpisa ang vlog slash spoof ni Alex kay Ivana sa isang monologue kung saan sinasabi niyang bakit daw umani ng 16 million views ang vlog ni Ivana samantalang naglaba lang naman daw ito.

Bilang tugon, ginaya niya ang mga aktibidad ni Ivana, kabilang ang pagsusuot ng silicon bra upang ma-achieve ang kaseksihan ni Ivana.

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Tulad ni Ivana, naglaba rin si Alex sa kanilang bakuran bilang si Iguana Balawi. May espesyal na partisipasyon din ang ‘kapatid’ ni Iguana na si Nyona, na ginampanan naman ng personal assistant niyang si Sofie. Nag-gym din sila at naglaro sa playground kung saan lumabas ang totoong Ivana Alawi.

Feel na feel ni Alex ang pagiging si Iguana kahit kaharap na niya ang totoong Ivana. Proud pang isinalaysay ni Iguana ang kanyang mga ‘experiences’ sa vlog katulad ng madalas na pag-prank ni Ivana sa kanyang mama at kay Mona.

Game na game naman ang totoong Ivana at madalas na lang na napapatawa sa mga hirit ni Alex. Aliw na aliw siya habang ginagaya ni Alex. Nagkaroon din sila ng patalbugan ng hubog ng katawan kung saan napagtanto ni Alex na talaga namang seksi si Ivana.

Napag-usapan din nilang dalawa ang pag-ibig ng isa’t isa. Kahit na bagong pantasya ng bayan si Ivana, single daw ito sa loob ng dalawang taon na ngayon. Nabanggit din ni Alex na maraming relasyon diumano ang nawawasak dahil kay Ivana. Paninigurado naman ni Ivana, hindi niya sisirain ang relasyon ni Alex at nobyong si Mikee Morada.

Larawan mula sa YouTube video ni Alex Gonzaga

Dumating din sa venue si Mikee kung saan nagpanggap pa si Ivana bilang Alex. Ibinuko rin kasi ni Alex na kilala rin ng nobyo niya si Ivana at tinitignan nito ang IG ng Kapamilya actress. ‘Magkahawig’ naman daw sina Ivana at Alex kaya nagpanggap na lang si Ivana bilang ang nobya ni Mikee.

Marami naman ang natawa sa spoof na ginawa ni Alex at sa faceoff nila ni Ivana. Nag-trending ito sa YouTube at mayroon nang 5.3 million views as of posting.

Gusto mong malibang nang bongga? Panoorin ang tapatan nina Alex at Ivana:

Loading…