Iwas-COVID: Broadcaster na si Pinky Webb, tumangging makipag-handshake sa nakapanayam na si Rep. Joey Salceda

  • Trending ang panayam ni Pinky Webb kay Congressman Joey Salceda sa CNN Philippines
  • Tumanggi kasi si Webb sa na makipagkamay kay Salceda matapos ang interview nila
  • Ito ay bilang pagsunod na rin sa babala ng pamahalaan upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19

Isa sa mga payo ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) upang makaiwas sa banta ng COVID-19 ay ang ugaliin ang social distancing. Hindi maaaring magkaroon nang malapitang contact ang isang tao sa kanyang kapuwa upang maiwasan ang hawaan kung mayroon man. Kabilang dito ay ang pag-iwas muna sa pagmamano, handshake, at iba pang uri ng contact.

At bilang isang broadcast journalist, minarapat ng CNN Philippines anchor na si Pinky Webb na maging huwaran sa kanyang mga manonood. Sa isang episode ng kanyang show na The Source, tumanggi sa isang handshake si Webb matapos ang panayam kay Albay Representative Joey Salceda.

Larawan mula sa CNN Philippines

Pinag-usapan nina Webb at Salceda ang proposal ng kongresista na i-lockdown ang buong Metro Manila sa nasabing episode upang maiwasan ang mas malawak na tsansang maikalat ang COVID-19 sa rehiyon dahil sa dumaraming kasong naitatala.

Isa kasi si Salceda sa mga unang nagpanukala ng lockdown sa buong rehiyon. Kaya naman nagpaunlak ito ng panayam kay Webb. Tumagal nang halos 20 minuto ang kanilang usapan. At nang matapos na ito, akmang kakamay sana si Salceda kay Webb.

Ibibigay na rin sana ni Webb ang kanyang kamay upang makapag-handshake nang nakangiti niya itong bawiin. Hindi na narinig on-air ang kanilang usapan pero may sinabi pa si Webb kay Salceda habang pabiro nitong itinatago ang kanyang kamay sa kanyang kanang bahagi ng katawan.

Natawa na lang din si Salceda at napasabi ng “Oo nga pala” at naalalang naroon siya para ikampanya ang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 kaya dapat munang kalimutana ng anumang contact, kabilang na ang handshake.

Larawan mula sa CNN Philippines

Mapapanood sa YouTube account ng CNN ang panayam na ito ni Webb kay Salceda ngunit mayroon ding nag-reupload ng video sa Facebook kung saan ay viral na ito. May higit 100,000 views na ang video kasama ang 6,800 reactions at 6,500 shares.

Marami naman ang natawa sa eksenang iyon sa panayam. Pero kahit nakapagbibigay ito ng ngiti, para sa ilan, isang malaking paalala ito na dapat tayong sumunod sa maliliit na hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Panoorin ang video ng ‘epic’ handshake refusal ni Webb kay Salceda:

HINDI KO KINAYA! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHAAHAHHAHAHAHAHAHAHA(twitter.com/gkhristiann)

Posted by Kap Jeric Don Diego on Thursday, March 12, 2020

Source :

Facebook, YouTube

Loading…