Iya Villania, ibinahagi ang workout routine ngayong siya ay nagdadalantao

Imahe mula sa video ni Iya Villania via Instagram
  • Kahit expecting siya ay patuloy pa rin sa pagwo-workout ang Kapuso host na si Iya Villania
  • Sinagot niya rin ang isang netizen na nagtanong kung bakit siya nagbabahagi ng workout routines tuwing nagdadalantao
  • Ani Iya, gusto niyang maging inspirasyon ng mga kagaya niyang expecting mama

Ibinahagi ni Kapuso host Iya Villania ang workout routine na kaniyang ginagawa ngayong nagdadalantao siya.

Imahe mula sa video ni Iya Villania via Instagram

Madalas niyang ginagawa ang AMRAP o as many rounds as possible workouts. Sa pinakabago niyang post, ipinakita niya ang mga ginagawa niyang workout para sa lower back sa loob ng 16 na minuto.

“Do continuous work for 16 minutes! Aim for six to eight rounds,” aniya sa kaniyang post. “During this pregnancy, I have made a conscious effort to add exercises to strengthen my lower back since it’s where I first feel muscle strain when pregnant due to the added weight in my belly.”

Sinagot niya rin ang isang netizen na nagtanong kung bakit madalas siyang magbahagi ng workout videos tuwing expecting siya.

“Because it is a difficult journey I want to keep track of to inspire and inform other buntis mamas. Okay lang po ba?” paliwanag ni Iya.

Imahe mula sa video ni Iya Villania via Instagram

Maging sa una at ikalawang pagdadalantao ni Iya ay ibinabahagi niya rin ang kaniyang pag-eehersisyo upang ipaalam sa ibang ina na ligtas ito kahit nagdadalantao sila.

“Yes! It is safe to continue your workout while pregnant. Unless you have c0mplicati0ns with your pregnancy and your doctor advises for you to rest, then it is safe,” sabi niya. “Get the go signal from your doc! Don’t be afraid to move,” sabi niya noon sa isang post.

Enero ngayong taon nang ibahagi ni Iya na inaasahan na nila ng asawang si Drew Arellano ang baby number 3 nila. Sa ngayon ay may dalawang anak na lalaki ang mag-asawa — sina Antonio Primo na ngayon ay 3 years old na at si Alonzo Leon na one year old naman.

Source :

Instagram, PEP PH

Loading…