Iza Calzado, negatibo na sa COVID-19

Imahe mula sa Instagram | Iza Calzado
  • Makalalabas na ng 0spital ang aktres na si Iza Calzado matapos na magnegatibo sa COVID-19
  • Nagpasalamat ang kaniyang manager na si Noel Ferrer sa lahat ng mga nagdasal para sa aktres at sa mga frontliner na patuloy na inilalagay ang sariling kalusugan sa alanganin upang gampanan ang kanilang tungkulin
  • Hiling ni Ferrer, sana ay patuloy na ipagdasal si Iza, gayundin ang iba pang nakikipaglaban sa virus

Negatibo na sa COVID-19 ang aktres na si Iza Calzado at maaari nang umuwi matapos makumpleto ang kaniyang antibiotics.

Imahe mula sa Instagram | Iza Calzado

Ibinahagi ng kaniyang manager na si Noel Ferrer ang magandang balitang ito sa kaniyang Instagram post kung saan nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal para sa aktres. Hindi rin niya nakalimutang bigyang pugay ang mga doktor, nurse, at health worker na nangunguna sa pakikipaglaban sa COVID-19.

“Let us continue to pray as Iza continues to heal,” ani Ferrer. “Support others who are battling with the virus. Indeed, we pray and heal as one.”

Noong March 25 ay ibinahagi ng aktres na nasa 0spital siya dahil sa pneumonia at hinihintay pa niya ang resulta ng COVID-19 test.

Makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Ferrer na nagpositibo si Iza sa virus. “She is recovering well as she was aggressively treated for pneumonia and the virus. She can actually breathe now without any oxygen assistance,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | Iza Calzado

Hindi raw nila alam kung saan nakuha ni Iza ang virus kaya naman mainam na sundin na lang ang mga preventive measure na ipinaaalala ng mga eksperto. “[It’s] best for all of us to take seriously the advice of doctors and health authorities on proper hygiene, physical distancing, quarantine, and social responsibility,” dagdag niya.

Kamakailan lamang ay naka-recover din sa COVID-19 ang aktor na si Christopher De Leon.

Isinailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon upang hindi na tumaas ang kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Loading…