Jennylyn Mercado, inaming nangamba siyang hindi na makabalik sa showbiz nang magkaanak

  • Inilahad ni Jennylyn Mercado na nangamba siyang hindi na makabalik sa showbiz nang isilang ang anak
  • Sa dami raw kasi ng bagong artista, maaari na siyang makalimutan ng mga manonood at ng kanyang mother network
  • Pero kabaligtaran ang nangyari dahil lalo pang sumikat si Jennylyn nang muling magbigyan ng mga proyekto

Maituturing nang isa sa mga reyna ng GMA Network ang unang StarStruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado. Simula kasi nang manalo siya sa nasabing reality show noong 2004, nagsunod-sunod ang kanyang malalaking proyekto sa pelikula at telebisyon hanggang sa kasalukuyan.

Ngunit sa kabila ng tagumpay na tinatamasa, minsa’y may pinagdaanang dagok sa karera si Jennylyn. Bagama’t isang biyaya sa isang indibidwala ang magkaroon ng anak, sa isang rising star na katulad ni Jennylyn noon, ang pagdadalantao nang ‘di inaasahan ay maaaring mangahulugan ito ng katapusan ng kinang ng bituin.

Larawan mula sa Instagram post ni Jennylyn Mercado

Noong 2008 kasi, nagulat ang lahat nang mabalitang magkakaanak na sina Jennylyn at kapuwa Kapuso star noon na si Patrick Garcia. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Sa mga panahon daw na iyon, naisip na ni Jennylyn na baka hindi na siya makababalik sa showbiz. Dahil daw sa dami ng nadidiskubreng artista, ang kanyang biglaang pagkawala sa showbiz dahil sa dinadalang anak sa sinapupunan ay maaari raw maging rason noon na hindi na siya mabigyan ng proyekto.

“Ayokong iwan ‘yung showbiz. But yung fear na baka wala nang tumanggap sa akin after… Baka hindi na nila ako matanggap kasi may anak na ako. Hindi ko alam kung magkakaroon pa ako ng chance makabalik,” sabi ni Jennylyn sa isang panyam sa GMA News.

Pero sadyang mahal si Jennylyn ng GMA Network at tinanggap pa rin siya matapos ang pagsilang sa kanyang panganay na si Alex Jazz. Mas maraming magagandang proyekto ang dumating sa kanya lalo na sa pelikula.

Larawan mula sa Instagram post ni Jennylyn Mercado

Ginulat ni Jennylyn ang lahat sa kanyang mahusay na pagganap sa Metro Manila Film Festival entry na English Only Please kasama si Derek Ramsay. Naging blockbuster ang pelikula at itinanghal pa si Jennylyn na Best Actress.

Napansin na rin siya ng ABS-CBN at ipinares kay John Lloyd Cruz sa pelikulang Just the 3 of Us. Nagkaroon din siya ng mga hosting project at bumida sa malalaking primetime series at nakuha ang titulong ‘The Ultimate Star’ of GMA.

Panoorin ang panayam ng GMA News kay Jennylyn sa set ng Descendants of the Sun:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…