Jennylyn Mercado, nakiusap sa DILG na subaybayan ang mga LGU at barangay na ‘di pa rin umaaksyon

Imahe mula sa Facebook | Jennylyn Mercado
  • Pinangunahan ng akres na si Jennylyn Mercado ang panawagan sa DILG na subaybayan ang pamamahagi ng mga LGUs at barangay ng tulong sa kanilang nasasakupan
  • Dahil nasa ilalim ng ECQ ang buong Luzon ay maraming kabuhayan ang naapektuhan 
  • Humingi rin siya ng paumanhin kung iniisip ng iba na pagrereklamo ang ginagawa niyang pamumuna sa mga public official

Nanawagan ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa Department of Interior and Local Government na gumawa ng hakbang upang  masubaybayan ang pamamahagi ng tulong ng mga local government units (LGUs) sa kanilang nasasakupan.

Imahe mula sa Facebook | Jennylyn Mercado

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Jennylyn na marami pa ang hindi nakatatanggap ng tulong mula sa mga opisyal kahit mahigit isang linggo na ang nakalilipas mula nang isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang buong Luzon.

“Naimomonitor ninyo po ba ang nagagawa at hindi nahahawa ng mga Mayor ng bawat lungsod para makatulong sa crisis?” aniya.

Bilang parte ng ECQ ay suspendido muna ang trabaho sa maraming industriya. Wala rin munang mga pampublikong transportasyon kung kaya marami ang umaasa ngayon sa tulong mula sa pamahalaan.

Imahe mula sa Facebook | Jennylyn Mercado

Hinikayat niya rin ang netizens na i-comment ang mga barangay na hindi pa nakapag-aabot ng tulong. “Let’s hold the people in power accountable for their actions or lack thereof,” aniya pa sa hiwalay na post.

Samantala, sa isa pang post ay sinagot niya ang mga nagsasabing sa halip na magreklamo ay tumulong na lamang sa panahon ng krisis.

“Pasensiya na po kung sa tingin ninyo that we are complaining. Bilang mamamayan ng Pilipinas, it is our right to call out what we see as ineffective means in handling this crisis,” sabi ni Jennylyn.

“We are not complaining but holding those in power ACCOUNTABLE for their actions especially since thousands of lives are at stake.”

Source :

Facebook

Loading…