Jimuel Pacquiao humataw ng sayaw sa ASAP Natin ‘To kasama si Iñigo Pascual

  • Jimuel nakipagsabayan ng pagsayaw kay Iñigo Pascual
  • Sabay na nagpakita ng kanilang dance moves ang dalawa sa stage ng ASAP Natin ‘To
  • Bagito man sa pagsasayaw, hindi nagpaiwan si Jimuel sa mahusay na dance moves ni Iñigo kaya pinuri siya ng mga netizens

Multi-talented ang panganay na anak ni Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel. Tulad ng ama, mahilig din siya sa boxing. Katunayan ay nakailang panalo na rin siya sa mga exhibition fights na ginawa.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Nangangarap din siya na balang araw ay maging isang well-known athlete at sundan ang yapak ni Manny bilang isang government official. Aniya, idol na idol niya ang ama.

Katulad pa rin ng ama, mahilig din siya sa basketball at sa musika. Mahusay siyang mag-gitara.

Sa isang interview, sinabi niya na istrikto siyang kuya sa apat niyang mga kapatid na sina Michael, Queenie, Princess at Israel, lalo na raw sa dalawang babae, pero pantay-pantay daw ang pagmamahal niya sa mga ito.

Malaki ang posibilidad na malayo ang mararating ni Jimuel dahil sa batang edad na disinuwebe ay mataas ang mga pangarap niya at marami na siyang alam sa buhay, pati pagba-vlog ay pinasok na rin niya.

Hindi lang iyon, mahusay rin pala siyang sumayaw. Ipinakita niya ang galing sa pag-indak nang nakipagsabayan siya kay Iñigo Pascual sa paghataw sa dance floor ng “ASAP Natin ‘To” noontime TV show ng ABS-CBN.

Sa number nila ay unang sumayaw si Jimuel sa saliw ng “The Weekend” at sinundan siya ni Iñigo na sumayaw sa tyempo ng “Back to the Beat.”

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sa bandang huli ng dance number ay nagsabay na ang dalawa. Bagito man sa pagsasayaw, hindi nagpaiwan si Jimuel sa mahusay na dance moves ni Iñigo kaya pinuri siya ng mga netizens.

“Ang gwapo ni Jimuel! Para sa baguhan, magaling na siya sumayaw.”

“Wow ang cute ni Jimuel. ‘Di trying hard pero may swag. Looking forward in seeing you more.”

“In fairness, may groove pala sumayaw si Jimuel. Galing.”

Screenshot mula sa ABS-CBN video
Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…