Jimuel Pacquiao nagpapasalamat sa ama dahil sa kasaganahang tinatamasa ng pamilya

  • Jimuel Pacquiao nagpapasalamat sa amang si Manny sa tinatamasang kasaganahan
  • Nagpapasalamat si Jimuel sa Diyos dahil binigyan sila ng amang napakasipag
  • Itinuro raw sa kanila ng ama na laging maging “humble” at “thankful”

Hindi kaila sa halos lahat ng mga Pilipino ang ekstraordinaryong rags-to-riches na kwento ng buhay ni Manny Pacquiao…ang mga hirap na pinagdaanan niya bago niya narating ang tugatog ng tagumpay. Mula sa pagiging mahirap, isa na ang Pambansang Kamao sa mga napakayamang tao sa bansa.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Ang kaginhawaang tinatamasa ng kanilang pamilya ngayon ay ipinagpapasalamat ni Emmanuel Pacquiao, Jr. o Jimuel sa amang si Manny, na isa na ring Philippine senator.

Sa kanyang latest vlog, sinagot ni Jimuel ang mga tanong ng ilang netizens. Isa ang nagtanong sa kanya kung ano ang pakiramdam ng lumaking walang-wala sila at ngayon ay sobrang yaman na.

“How was it growing from walang-wala to golden spoons. Ikaw kasi ang panganay, you know more or less what was it like, ‘di ba?” tanong ni Charraine Anne Lague-Delos Santos kay Jimuel.

Sinabi ni Jimuel na masuwerte sila dahil noong lumalaki silang magkakapatid ay nagsisimula nang makatikim ng mga kampeonato sa boksing ang ama.

“Actually, we’re very lucky.  Kasi nu’ng medyo mahirap pa ang buhay, maliliit pa kami noon. So nu’ng lumaki na kami, parang na-receive na ni dad ‘yung big break niya, champion siya. Naranasan na rin namin ‘yung this life,” aniya.

Screenshot mula sa latest vlog ni Jimuel Pacquiao

“I feel very blessed kasi ‘yung hirap hindi namin masyadong naaalala kasi, ‘yun nga, maliliit pa kami noon. From what I hear from my dad, I understand naman what he had to go through,” dagdag pa ni Jimuel.

Nagpapasalamat si Jimuel sa Diyos dahil  binigyan sila ng amang napakasipag.

“I’m really thankful to God na binigyan kami ng very hardworking dad para nandito kami ngayon kung saan kami,” aniya.

Itinuro umano sa kanila ng ama na palaging maging “humble” at “thankful” dahil kapag ginusto raw ng Diyos na mawala ang lahat ng tinatamasa nila ay mawawala ang mga iyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Loading…