Jimuel Pacquiao pinasok na ang mundo ng showbiz, kabilang na sa Star Magic

  • Jimuel Pacquiao pinasok na ang mundo ng showbiz
  • Member na siya ng Star Circle, ang talent center ng ABS-CBN
  • Very supportive daw ang mga magulang niya sa pagpasok niya sa show business

Noong nakaraang taon ay sinabi ni Jimuel, ang panganay na anak ni Manny at Jinkee Pacquiao, na wala siyang interes na pasukin ang showbiz dahil naka-focus siya noon sa boxing. Time-consuming daw ang training sa pagboboksing.

Imahe mula sa Instagram account ni Jimuel Pacquiao

Sa kabila ng mga sinabi ay nilinaw naman niya na hindi niya inaalis ang posibilidad na subukan ang acting.

“My mom has been getting inquiries. But I’m focused on boxing at the moment — the training is time-consuming. But I’m not closing my doors. If there’s a chance in the future, perhaps I can give it a try,” sabi niya noon.

Kamakailan lang, napanood si Jimuel sa TV show na “ASAP Natin ‘To” kung saan nakipagsabayan siya sa paghataw ng sayaw kay Iñigo Pascual; ang unico hijo ni Piolo Pascual.

Kasunod ng guesting niya sa nasabing show ay kinumpirma ni Jimuel sa isang interview na bahagi na siya ng Star Magic, ang talent center ng ABS-CBN.

“I’m very happy ‘cause ever since din, I got interested in acting. So I’m very, very happy naman na I’m part of Star Magic now. I don’t want to waste the opportunities na binibigay. And I’m new and I want to try a lot of things. Mahilig ako mag-try ng mga new things,” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Jimuel Pacquiao

Dahil bagito sa showbiz, kailangan niyang dumaan sa mga acting workshops.

Sa ngayon, it’s just mostly studying acting. And siguro dance and acting workshops here and there para slow and steady,” aniya.

Very supportive naman daw ang mga magulang niya sa pagpasok niya sa showbiz.

“Kasi takot sila kapag nagbo-boxing ako. So they’re very supportive pagdating sa showbiz,” kuwento ni Jimuel.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao
Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…