K Brosas, humingi ng dasal para sa mga frontliner, kabilang ang kapatid na nurse sa Italy

Imahe mula sa Instagram | K Brosas
  • Humingi ng panalangin ang komedyanteng si K Brosas para sa mga frontliner, kabilang na ang kapatid niyang nagtatrabaho bilang nurse sa Italy
  • Nagpaabot na rin ng tulong si K para sa mga frontliner sa bansa
  • Aniya, sana ay marami pa ang mag-abot ng tulong kahit gaano kaliit dahil malaking bagay na rin ang mga ito kapag pinagsama-sama

Isa ang kapatid ng komedyanteng si K Brosas sa mga frontliner na lumalaban sa COVID-19 sa Italy na isa sa may pinakamataas na kas0 ng virus sa buong mundo.

Imahe mula sa Instagram | K Brosas

Sa kaniyang Instagram, nagbahagi si K ng larawan ng nakatatanda niyang kapatid na si Emily Brosas. “This is my Ate Emily, a registered nurse sa Italy. Actually, buong family ko nasa Italy, matagal na. Bigla akong na-sad,” aniya.

Hiling niya ang panalangin para sa mga frontliner na nalalagay sa alanganin ang kalusugan sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Dahil nauunawaan ang kalagayan ng mga frontliner ay nag-abot na siya ng tulong para sa mga health worker sa bansa. Namahagi si K ng personal protective equipment (PPE) sa kanila.

Aniya pa, gusto man niyang maabutan ng tulong ang lahat ng mga frontliners ay wala siyang kakayanan kaya naman hinimok niya ang iba na tumulong din.

Imahe mula sa Instagram | K Brosas

“Sana ay tumulong tayo kahit sa kaunting paraan na mabigyan sila. Gusto ko mang mabigyan lahat pero hindi ko kaya. Pero kung lahat tayo ay tutulong kahit kaunti ay magiging malaking bagay na,” dagdag pa ni K.

“Be safe po lagi sa ating mga masisipag na health workers at frontliners.”

Matapos na maiulat ang kakulangan sa PPE ng mga frontliner ay nagtulung-tulong mapa-mga politiko, artista, o ordinaryong tao upang mabigyan sila ng mga ito.

Umiiral ngayon ang enhanced community quarantine sa buong Luzon at ilang parte ng bansa upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kas0 ng COVID-19 sa bansa.

Loading…