Kabahan na ang millennials: Dating Spokesperson Harry Roque, mayroon na ring TikTok account at video

  • Viral sa social media ang video ng pinakabagong TikToker na si Harry Roque
  • Ipinasilip niya ang kanyang dance cover ng The Weekend ni SZA
  • Umabot naman na sa halos kalahating milyon ang views ng sayaw na ito ni Roque

Hindi maitatanggi na ang pinakabagong paboritong application ng mga Pilipino ngayon ay ang TikTok. Sa pamamagitan kasi ng app na ito ay nakagagawa ng malikhain at nakatatawang maiikling videos ang mga netizen na maaari din nilang ibahagi sa kanilang ibang social media accounts.

Karaniwang mga millennials at celebrities ang nagbabahagi ng kani-kanilang TikTok videos at ang ilan ay agad na nagva-viral sa social media dahil sa magandang content nito, o kung minsan ay epic fail na nagdudulot ng katatawanan sa iba.

Larawan mula sa Twitter account ni Harry Roque

At ang lumalaking TikTok community sa bansa ay sinalihan na rin ni dating Presidential Spokesman Harry Roque. Maligayang inanunsiyo ng abogado sa kanyang Twitter account na hindi siya isang ‘boomer’; bagkus ay may pus0ng millennial at kayang makiuso dahil may TikTok account na siya.

Hindi nagpadaig si Roque sa mga kabataan at nakiuso rin sa pagkasa sa iba’t ibang dance challenges sa TikTok. Ang una niyang video ay ang cover ng sikat na sayaw ngayon na The Weekend ni SZA. Agad naman itong nag-viral at umani ng higit 5,200 likes, 700 retweets, at 465,000 views.

Suot ang kanyang puting polo barong, ipinamalas ni Roque ang kanyang the moves at naghatid ng good vibes sa mga netizens. Sa pagtatapos pa nga ng kanyang video, nag-finger heart pa si Roque na uso ring hand gestures sa mga kabataan ngayon.

Habang isinusulat ang balitang ito, ang dance cover pa lang ng The Weekend ang tanging video ni Roque sa kanyang TikTok account na mayroong handle na @harryroque3. Ngunit inaabangan na ng netizens ang susunod na video na gagawin ni Roque.

Larawan mula sa Twitter account ni Harry Roque

Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Roque nang maging tagapagsalita siya ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017. Umalis sa puwesto si Roque noong 2018 at pinalitan ni Salvador Panelo. Kakandidato sana siyang senador noong 2019 midterm election ngunit nagbago ang kanyang isip.

Ngayong taon lamang, inanunsiyo naman ni Pangulong Duterte na si Roque ang hahawak sa mga isinampang kaso ng pamahalaan laban sa mga water companies.

Panoorin ang pinakabagong TikToker na si Harry Roque!

Source :

Twitter, GMA News

Loading…