Kahit hindi ipinagkakaloob sa lahat: Angelica Panganiban, gusto pa rin ng asawa at mga anak

  • May nangumustang netizen kay Angelica Panganiban sa Twitter account nito
  • Kinamusta ng netizen ang love life ng dalaga at inihambing pa ito sa mga kasabayan nitong artista
  • Positibo itong tinugunan ng aktres kaya lalo itong hinangaan ng kaniyang mga fans

May mga tao na maituturing na mithiin sa buhay ang magkaroon ng asawa at anak o mga anak. Ilan sa kanila ay nabibiyayaan, at may ilan naman na tila pinagdamutan ng tadhana.

Samantala, may mga tao naman na hindi itinuturing na kawalan sa kanila kung sila man ay mananatiling single kahit nasa hustong gulang na.

Imahe mula sa Facebook page ni Angelica Panganiban

Sa ganitong paksa umikot ang isang tweet ng aktres na si Angelica Panganiban nang kumustahin ng isang netizen ang kaniyang love life at inihambing pa ito sa mga kasabayan niya sa industriya.

“How’s your love life? Di ka ba minsan napapaisip na ‘yung ibang kasabay mo sa showbiz [ay] may kids na or family na, tapos ikaw [ay] wala pa? Pero, I know na happy ka and successful. Just want to know if sumasagi sa isip mo ‘yun?” tweet ng isang netizen na fan ng aktres.

Sinagot ito ni Angelica sa maayos na paraan.

”Always (smiley face) gusto ko ng family. Kids. Pero hindi sa lahat binibigay ‘yun. Okay naman ako,” sagot ng 33-anyos na aktres.

Nagsimula bilang isang child star si Angelica Panganiban. Naging kasabayan niya ang magkapatid na sina Camille at John Pratts, na kapuwa may asawa at mga anak na rin.

Samantala, nagpasalamat ang fan dahil sinagot ito ni Angelica. Masaya ito para sa aktres na matagumpay bilang artista at sa pagkakaroon ng mga mapagmahal na kaibigan at pamilya.

May mga netizen na humanga sa sinagot ni Angelica. May mga naka-relate din sa kaniya. Higit sa lahat, may mga naniniwala rin na may tamang panahon para ibigay iyon sa dalaga.

Sa hiwalay na tweet, nireplayan din ni Angelica ang isang netizen na nagtanong tungkol sa pagmamahal na sinayang lamang para sa panandaliang kaligayahan.

Imahe mula sa Facebook page ni Angelica Panganiban

“’Yung ‘why’ mo, di ko masasagot ‘yun. But always remember, loving is the best feeling (smiley face),” sagot ng aktres.

Isang bukas na aklat din ang kuwento ng mga pinagdaanang pag-ibig ni Angelica. At sa mga pahayag na ito ng dalaga, masasalamin na nag-mature na ito sa emosyonal at espirituwal na aspeto ng kaniyang buhay.

Source :

Twitter, Twitter

Loading…