Kahit nagparetoke na, babaeng nagtatago nadakip ng awtoridad

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube
  • Naarest0 ng mga awtoridad ang isang babae na taong 2004 pa pinaghahanap dahil sa estafa
  • Ibang-iba na ang hitsura nito matapos na magparetoke
  • Umabot umano sa P100 milyon ang nakuha niya sa mga nabiktima

Kahit nagparetoke at ibang iba na ang hitsura ay hindi pa rin nakaligtas sa mga awtoridad ang babaeng suspek sa milyun-milyong investment scam.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

Sa ulat ng 24 Oras, kinilala siyang si Irma Digman na gumagamit din ng mga alyas na Irma Tow-le at Sarah Jane Saavedra.

Napag-alamang taong 2004 pa pinaghahanap si Digman para sa kas0ng estafa. Kahit iba na ang hitsura, mas payat, at mas maputi na ay natugis pa rin siya ng mga awtoridad mula sa EPD Special Operations Unit.

“Malaki na ang ipinagbago ng kaniyang hitsura, halata mo na talagang mayroon siyang intensyon na ikubli ang kaniyang hitsura,” sabi ni Police Staff Sergeant Ed Rommel Fajutag ng EPD – DSOU sa GMA News.

Isa sa mga nabiktima ay ang overseas Filipino worker (OFW) na natangayan ng P13 milyong naipon niya sa pagtatrabaho sa loob ng 18 taon sa Iraq at Afghanistan. Malaki ang pagsisisi niyang naisahan siya ni Digman dahil malaki raw ang naging epekto nito sa kaniyang pamilya.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube

“Sinira ang buhay ko. Muntik akong makipaghiwalay sa asawa ko, ang mga anak ko muntik nang hindi makapag-aral.  Sinira talaga kasi pinagtrabahuhan ko nang matagal, mga anak ko nasa magandang eskuwelahan tapos hindi na makapasok,” aniya. “Dinahan-dahan ako, ‘Kailangan na nating umpisahan… May babayaran tayong ganitong tao, kailangang bigyan natin si secretary ganito.’”

Nagpapanggap umano si Digman na kontratista ng government projects upang makabiktima ng mga nais na mamuhunan.

“‘Pag nakumbinsi na niya ang mga potensiyal niyang magiging biktima  kapag ito’y nakapagbigay na sa kaniya ng halaga ng pera na napag-usapan nila, bigla na lang itong maglalaho na parang bula,” pahayag ni Fajutag.

Sa ngayon ay may lima nang lumutang upang ireklamo si Digman. Ayon sa ulat, umabot na sa P100 milyon ang nakuha niya mula sa mga biktima. Kahaharapin niya ang kas0ng syndicated estafa.

Source :

GMA News, YouTube

Loading…