Kakaibang ulam: Netizen, ibinida ang kanilang ulam habang nasa ECQ na ‘lumpiang sinaing’

  • Trending ang isang Facebook post dahil sa kakaibang recipe ng isang pamilya sa panahon ng ECQ
  • Ginawa kasi nilang palaman sa lumpia wrapper ang sinaing na kanin at tinawag nila itong lumpiang sinaing
  • Maraming netizens naman ang mayroong suhestiyon para mas mapa-level up pa ang lumpia recipe na ito

Maliban sa pag-iisip kung anong gagawin sa panahon na nasa loob lang ng bahay ang karamihan sa atin dahil sa enhanced community quarantine (ECQ), isa rin sa bagay na madalas isipin ng mga mamamayan ngayon ay ang pagkaing lulutuin.

Ang ilan ay nakapamili na ng kani-kanilang stock ng pagkain habang ang ibang local government unit naman ay nagpapamigay nan g relief goods. Pero marami pa rin ang nauubusan na ngayon ng ideya kung paano lulutuin ang ibang pagkain sa loob ng ref ngayong nagkakaubusan na rin ng paninandang rekado sa mga tindahan at palengke.

Larawan mula sa Facebook post ni Cedrick Jallorina

Hindi nakaligtas sa ‘pagkamalikhain’ ng isang netizen ang all-time favorite handaan sa mga party, ang lumpia. In-upload ng netizen na si Cedrick Jallorina ang larawan ng kanilang kakaibang bersiyon ng lumpia na imbes na karne o gulay ang palaman, ay sinaing kanin ang nakapaloob rito.

Sabi ni Cedrick sa kanyang trending Facebook post, naisipan daw nilang gumawa ng ‘lumpiang sinaing’ dahil wala na raw silang mabilhan ng sangkap sa ika-pitong araw nila sa loob ng bahay dahil sa umiiral na ECQ.

Bagaman halatang biro lamang ito ni Cedrick, agad namang pumatok ito sa mga netizens na nasa kani-kanilang bahay din. Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang higit 50,000 reactions, 15,000 comments, at 128,000 shares kahit wala pa itong isang buong araw nan aka-upload.

Marami sa mga Pilipinong nakakita ng post ang na-good vibes. Ayon sa kanila, two-in-one na raw ang pagkaing ito dahil mayroon nang ulam, mayroon ka pang kanin kaya naman bagay na bagay ngayong panahon ng quarantine.

Larawan mula sa Flickr

Sabi naman ng ilang netizens, susubukan daw nila ang recipe na ito pero with a twist. Mukhang masarap daw kapag fried rice o yang chow rice ang kanilang ilalagay sa loob ng lumpia wrapper dahil mas bagay daw ang lumpiang shanghai sa flavored rice.

May ilan namang netizens na sinabing hindi naman daw ito lumpia. Mas malapit daw ang recipe na ito sa favorite Pinoy meryendang suman na kaning malagkit ang ginagamit.

Loading…