Kalagayan ng Bulkang Kanlaon, itinaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 1

  • Isinailalim ng PHIVOLCS ang Bulkang Kanlaon sa Alert Level 1 dahil sa abnormal umanong kalagayan ngayon
  • Isa ito sa mga pinakaaktibong bulkan sa buong Visayas at sa buong Pilipinas
  • Pinag–iingat ng PHIVOLCS ang publiko lalo na sa mga bayan at lungsod na malapit dito

Hindi pa man nangangalahati ang taon mula nang pumutok ang Bulkang Taal, binabantayan ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang Bulkang Taal sa Kanlaon sa lalawigan ng Negros dahil sa “abnormal” nitong kalagayan kaya itinaas ito sa Alert Level 1, Marso 11, 2020.

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang lokal na pamahalaan, gayundin ang publiko na iwasan ang  4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibleng paglalabas ng singaw o phreatic eruptions ng naturang bulkan. Nagbigay rin sila ng babala sa mga aviation authorities upang maiwasang magpalipad ng mga eroplano o anumang aircraft na malapit sa bunganga nito.

Nagsimula ang pagmo-monitor sa kalagayan ng Bulkang Kanlaon noong Marso 9 at nakapagtala na rito ng 80 pagyanig sa loob lamang ng halos dalawang araw.

“The increased seismic activity could be succeeded by steam-driven or phreatic eruptions at the summit crater, despite the absence of visible degassing or steaming from the active vent this year,” ayon sa PHIVOLCS.

Ang Bulkang Kanlaon, na nagsisilbing marka sa boundary ng Negros Oriental at Occidental, ay itinuturing na active stratovolcano.

Ang mga bayan at lungsod na matatagpuan sa paligid nito sa Negros Oriental ay ay Canlaon City, Guihulngan City, at Vallehermoso. Sa Negros Occidental, nariyan ang Moises Padilla, Isabela, La Castellana, Murcia, Don Salvador Benedicto, La Carlota City  at Bago City.

Itinuturing ang Bulkang Kanlaon bilang pinakaaktibong bulkan sa kalagitnaan ng Pilipinas. Tatlumpung beses na itong pumutok simula pa noong 1819. Ang pagputok ay karaniwang “phreatic” at nagdudulot ng ashfalls. Karaniwang dinarayo ang bulkang ito ng mga mountaineers.

Public Domain Image

Dalangin natin na harinawa ay hindi na tumaas pa ang Alert level nito.

Loading…