Kandidata sa Miss Gay na hindi nagpapigil sa kapansanan, hinangaan

Imahe mula sa Facebook | Jongie Lauriano
  • Napahanga ang netizens sa isang kandidata sa Miss Gay pageant dahil sa husay nitong rumampa sa kabila ng kanyang kapansanan
  • Sa tulong ng saklay ay bigay-todo sa pasarela ang kandidata kaya naman nagsilbi siyang inspirasyon sa mga netizens dahil sa kaniyang angking talento at katatagan ng loob
  • Hiling ng iba, sana raw ay huwag maging mapanghusga sa mga persons with disability dahil may taglay rin silang talento at kakayanan

Pinag-uusapan ngayon ang isang kandidata sa Miss Gay 2020 pageant matapos niyang patunayan na hindi dapat gawing hadlang ang kapansanan upang patuloy na abutin ang iyong pangarap.

Imahe mula sa Facebook | Jongie Lauriano

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Jongie Lauriano, makikita ang isang contestant na todo bigay sa pag-aura at rampa sa tulong ng kaniyang saklay dahil putol ang isang paa niya.

“Hindi hadlang ang kapansanan,” sabi ni Lauriano sa kaniyang post. Nilagyan niya rin ito na hashtag na “my idol.”

Hindi malinaw ang pagkakakilanlan ng hinahangaan na kandidata ngunit marami siyang napabilib kaya naman inulan ng papuri ang kaniyang video.

“That is what you call real confidence,” komento ni Honey B.

Imahe mula sa Facebook | Jongie Lauriano

Si Nollan O. naman, hindi maikubli ang paghanga sa galing sa pagrampa ng kandidata kahit isa lang ang paa nito.

“Gosh! Imagine, she only has one leg but her pasarela skill is on point. Also look at the way she swings her bum bum. Keep on inspiring everyone,” aniya.

Si Love Spell naman, na-inspire sa ipinakikitang lakas ng loob ng subject sa post. “Worthy to be shared,” sabi naman ni Jeey F.

Paalala naman ng ilan, patunay ito na hindi dapat matahin ang mga persons with disability dahil may kaniya-kaniya rin silang kakayanan.  “Kaya ‘wag tayong mapanghusga. Sana all tanggap tayo,” sabi ni Loiella B. “Nakakalakas ng loob na ipaglaban ang sarili mo sa mga mapang-api,” komento naman ng isa pa.

Napahanga ka rin ba ng kandidatang ito?

Panoorin ang video rito:

Source :

Facebook

Loading…