Kara David at asawang seafarer, ibinahagi ang muling pagkikita sa gitna ng COVID-19

Imahe mula sa Instgram | Kara David
  • Matapos umuwi ang seafarer na asawa ni Kara David na si LM Cancio ay diretso ito sa hiwalay na bahay upang sumailalim sa 14-day quarantine
  • Marami ang natuwa sa mag-asawa dahil sa pagpapanatili nila ng social distance kahit pa matagal silang hindi nagkita
  • Bukod dito ay ipinaghanda rin ni Kara ng pagkain ang asawa para sa dalawang linggong quarantine

Ibinahagi ng reporter na si Kara David ang muling pagkikita nila ng asawang si LM Cancio na pitong buwan na nagtrabaho bilang seafarer sa ibang bansa.

Imahe mula sa Instgram | Kara David

Marami ang humanga sa mag-asawa dahil sa pagsunod nila sa social distancing kahit matagal na silang hindi nagkikita.

Nang sunduin kasi ni Kara ang asawa ay pinanatili nila ang distansya hanggang sa umuwi na si LM sa tutuluyan nitong bahay.

“He’s baaaaack!!! Pero no touch, no contact whatsoever. Extended ang aming LDR as LM goes on isolation for 14 days in our house in Cainta. Welcome home, my love,” sabi niya sa isa pang post. “Separate cars, separate homes muna kami for two weeks. Magkalapit pero magkalayo.”

“Hay, pag-ibig sa panahon ng COVID-19. Kakilig na may kirot. Fighting,” komento naman ng isang netizen.

Imahe mula sa Instgram | Kara David

“I wonder kung paano mo kinakaya, Ma’am Kara. Ako po iniisip ko pa lang, feeling ko babaha ng luha,” sabi naman ni Manel.

Ang Instagram user na si Tess naman, ikinalungkot na maraming nasayang na pagkakataon dahil sa COVID-19.

Samantala, hindi naman nakalimutan ni Kara na ipaghanda ang asawa ng kaniyang makakain sa loob ng dalawang linggo ng isolation.

Kuwento niya, sa loob ng dalawang araw ay nakapagluto siya ng 12 putahe. Naghanda na rin daw siya ng canned goods, itlog, at tocino para sa ibang araw. Ilan sa mga niluto niya ay gisadong giniling, adobong sitaw, arroz caldo, at sinigang.

Source :

Instagram

Loading…