Kasalang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati malapit na rin ; mga principal sponsors, puro bigatin

  • Inaabangan na ang Gutierrez–Lahbati Nuptials ngayong Marso
  • Batay sa mga ibinahaging imbitasyon sa social media, bigating mga celebrity ang magiging principal sponsors
  • Kabilang dito ang mga dati at kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal–Arroyo, at Joseph Ejercito Estrada

Nananabik na nga ang mga tagahanga at tagasubaybay ng celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa kanilang nalalapit na pagiisang dibdib, na nakatakdang mangyari nitong Marso ng 2020.

Inaabangan na nga ng lahat ang mga detalye, na isa sa mga itinuturing na “wedding of the year”, sa kasalang Gutierrez–Lahbati Nuptials. Bago pa man mapag–usapan ang magiging gown ng bride, o kaya’y kung gaano kabongga ang reception, mainit na pinagusapan muna ang mga bigating principal sponsors sa naturang kasal, na ibinahagi sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Jacqueline”.

Ang mga larawang ibinahagi niya ay nagmula naman sa “Fashion Pulis”.

Imahe mula sa Facebook account ni Jacqueline Nunez Vicente

Makikita sa larawan ng imbitasyon na hindi basta–basta ang mga principal sponsors ng naturang kasal. Tila reunion ng mga politiko ang magiging kasalan ng dalawa dahil sa dami ng mga imbitadong may katungkulan sa pamahalaan.

Una na sa listahan ang mga dati at kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Gloria Macapagal–Arroyo, at Joseph Ejercito Estrada.

Nariyan din ang mag–asawang Senador Tito Sotto III at Helen Gamboa, Secretary Narciso Santiago, Jr at Senadora Cynthia Villar, Secretary Salvador Panelo, Senador Manny Pacquiao at misis nitong si Jinkee, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Congressman Ferdinand at Congresswoman Yedda Romualdez, Mayor Richard Gomez, at Congresswoman Lucy Torres–Gomez. Kasama rin sa listahan si Mayor Luis “Chavit” Singson.

Sa mga bigating artista naman, nariyan sina Megastar Sharon Cuneta at ang matriyarka ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde. Principal sponsors din ang President/CEO ng dalawang magkalabang tv network; sina Carlo Katigbak ng ABS–CBN at Atty Felipe Gozon at ang kaniyang asawa, ng GMA Network. Kasama rin ang may–ari ng Bench company na si Ben Chan, at marami pang iba.

Ang mga celebrity na kasama sa entourage at seremonya, bukod sa mga kaanak na Gutierrez na artista rin, ay sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Coleen Garcia–Crawford, Aga Muhlach at Charlene Gonzales–Muhlach, Robin at Mariel Padilla, Angel Locsin, at Vice Ganda.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Panalong–panalo ang mga principal sponsors. Tiyak na marami rin ang magiging gifts… sana all!”

Imahe mula sa Facebook account ni Jacqueline Nunez Vicente

“Hindi basta–basta ang mga sponsors hahaha. At ang epic, magkikita–kita ang mga may gaps, gaya nina PGMA at Erap, tapos si Carlo Katigbak at si Felipe Gozon, idagdag mo pa si President Duterte. Awkward!!!” biro ng isa.

Kung sa principal sponsors ay bigatin na, tiyak na mas magiging bigatin ang mismong kasalan. Abangan natin  ang susunod na mga kabanata!

Loading…