Katuwaan lang: Lalaki nag-refill ng sanitizer sa cashier ng isang mall kaysa mag-panic buying

  • Isang netizen ang nagbigay ng good vibes sa kanyang mga kapuwa social media users
  • Nag-refill kasi siya ng santizer mula sa malaking bote na makikita sa counter at cashier ng malls
  • Pero nilinaw niya na katuwaan lamang ito dahil bawal daw talagang mag-refill doon

Pinakamabenta ngayon ang mga produktong pang-sanitize ng kamay tulad ng rubbing alc0h0l. Nagkakaubusan na nga ng mga ito sa mga pamilihan. Habang ang ilan naman ay naiulat na nagho-hoard ng mga ito at ibinebenta sa iba sa mas mataas na halaga na nagkalat din sa mga resellers online.

Pero sa kabila ng pagpa-panic ng madla sa pagbili ng mga pang-sanitize ng kamay, isang netizen ang may pampa-good vibes sa mga nakababad sa social media ngayon. Isang magandang ideya kasi ang naisip niya upang maiwasang makisabay sa dagsa ng mga bumibili ng rubbing alc0h0l.

Larawan mula sa Facebook post ni Jaye Rb Sico

Ibinahagi ni Jaye Rb Sico sa kanyang Facebook post ang kanyang larawan na nagre-refill ng kanyang alc0h0l bottle sa cashier ng isang mall. Karaniwan kasing makikita ang mga pang-sanitize sa cashier ng malls ngayon upang matulungang maglinis ng kamay ang kanilang mga customer.

Lumabas kasi sa ilang pag-aaral na isa ring paraan upang maipasa ang COVID-19 sa iba ay sa pamamagitan ng pera. At dahil pera ang pangunahing transaksiyon sa mga cashier, minarapat nilang maglagay ng sanitizers sa mga ito para sa kanilang mga customer.

Sabi ni Jaye sa kanyang post, hindi niya raw alam kung bakit nagpa-panic buying pa ang mga tao sa pagbili ng panghugas ng kamay gayong libre naman daw ang mga ito sa cashier at counters ng mga mall. Kanya-kanyang dala na lang daw ng lalagyan.

“Ewan ko ba kung bakit kayo nagbabayad at nagpa-panic buying ng alc0h0l? May libre naman sa cashier area basta magdala kayo ng lagayan,” sabi ni Jaye sa kanyang viral post na mayroon nang 27,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 40,000 shares, wala pang isang araw matapos i-upload.

Larawan mula sa Facebook account ni Carl John Gomez Sison

Bandang huli, sinabi naman ni Jaye na ang kanyang post ay katuwaan lang. Hindi naman daw talaga siya nag-refill sa cashier dahil bawal daw iyon. Gusto lang daw niya magbigay ng good vibes lalo na sa panahon ngayon na marami ang namomroblema  sa COVID-19.

Naka-relate naman ang ilang netizens sa kakulitang ito ni Jaye. Sabi nila, minsan na rin nila itong naisip na gawin kaso lamang ay nakakahiya raw. Nagpasalamat din sila sa netizen dahil kahit papaano ay nakapagbigay ito ng ngiti sa kanila sa kabila ng kinahaharap na pagsubok ng bansa.

Loading…